Komiteng pipili sa magiging OIC sa ARMM bubuuin na

KASALUKUYAN nang binubuo ang lupon na sasala at magbibigay ng rekomendasyon kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa kung sino ang uupong officers-in-charge sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, ayon kay Executve Sec. Jojo Ochoa. Batay sa Executive Order No. 51 na pinirmahan ni PNoy, sinabi ni Ochoa noong Hulyo 28 na mag-kakaroon ng isang screening committee na mamimili ng OICs para sa mga mababakanteng posisyon sa ARMM para pagsabayin ang halalan sa rehiyon sa pambansa at lokal na eleksiyon sa 2013.

Ang mga posisyon ng regional governor, regional vice governor at 24 ng legislative assembly ay magiging bakante sa ika-30 ng Setyembre, 2011 dahil sa pagpapaliban ng halalan sa ARMM. Nakasaad sa Section 4 ng Republic Act No. 10153 na pinirmahan ng Punong Ehekutibo noong Hunyo ang binuong screening committee ang magrerepaso sa mga kwalipikasyon ng mga aplikante para maging OICs sa ARMM.

Ang pondo nito ay magmumula sa Office of the President. Sa ilalim ng EO51 ang screening committee ay bubuuin ng kalihim ng Department of the Interior and Local Government, kalihim ng Department of National Defense, political adviser ng Pangulo, isang kinatawan ng civil society na itatalaga ng Pangulo at isang kinatawan na manggagaling sa limang gobernador ng probinsiya at isang mayor ng lungsod na sila-sila mismo ang mamimili. Sa direktiba ni PNoy, ang kalihim ng DILG ang magpapatawag sa screening committee at siyang magtitimon sa pagbubukas hanggang sa maihalal nila ang kanilang taga-pangulo.

Sa pagpili sa mga kandidato, kailangang isaalang-alang ng lupon ang educational preparation, experience, performance, accomplishments, reputation for honestly, integrity, incorruptibility, irreproachable conduct and fidelity to sound moral and ethical conduct.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply