Komportable sa ‘balls’ ang lonta ni JC!

SA PRESSCON ni JC De Vera para sa Freego Jeans ay buong ningning na itinanong sa kanya kung nagbi-brief ba ito. Buong ningning niyang sinagot na naka-brief siya nu’ung araw na ‘yun at boxer shorts dahil may lakad pa siya at training para sa serye niyang “Utol Kong Hoodlum” ng TV5.

Pero sey niya, minsan daw ay hindi na kailangang mag-underwear dahil merong slim fit ang Freego Jeans na pag isinuot ay stretchable, hindi raw mainit sa balat at komportable raw sa “balls.”

Bukod sa endorsement, may gagawing indie movie si JC with Zoren Legaspi entitled “Salome” kung saan kapartner niya ang ex-girlfriend niyang si Michelle Madrigal. Kahit ano ang ipagawa sa kanya ni Zoren ay gagawin niya.

Gaano ka-sexy siya papayag?

“Wala pa po akong script. Hindi ko pa siya nababasa. Pero once na makuha ko ‘yung script, then masasabi ko kung ano ang puwedeng mangyari,” tugon niya.

Hindi kaya magselos si Danita Paner dahil ex niya ang makakasama sa movie?

“Alam ni Dan na ganoon ako ka-passionate sa trabaho at sabi ko, hindi ako puwedeng guluhin ng ibang tao sa trabaho. Ganoon ako kaseryoso. Ngayon, kailangan lang siyang i-assure na pagdating sa ganoon trabaho, secured. Hanggang dun lang talaga ‘yun. Actually, ganoon naman ako.

At puwede siya magbantay kung gusto niya. Trabaho ‘yun,e! Basta alam lang niya na seryoso ako sa ginagawa ko. Very dedicated naman ako pagdating diyan,” sey pa niya.

Sa naturang presscon ay medyo conservative ang mga pictorial ni JC sa Freego. Pagtugon ba ito sa ilalagay nilang billboard sa Edsa na pag-iwas sa paghihigpit ng MMDA.

May mga shirtless naman daw na pictorial si JC. Depende raw sa konsepto. May mga sexy pero hindi raw kontrobersyal at tolerable.

Mini-maintain daw ng Freego ‘yung wholesome image.

-0o0-

ENDOSER naman si Isabelle Daza ng Sophies Bag. Excited siya na maging bahagi ng Sophies Direct Selling dahil involved daw sila sa social awareness at tinutulungan ang mga Filipino para umangat. May advocacy sila na  may product din ang Sophies na ang part ng kikitain ay ilalagay sa foundation para sa mga street children at mahihirap na tao.

Sa presscon ni Isabelle ay nalaman naming independent na siya at humiwalay na sa kanyang ina.

Kakaibang experience daw ito dahil walang ibang tao na tutulong sa kanya.

“Ikaw ang maggagawa ng laundry mo, pati electricity, minsan ‘yung aircon bukas buong araw, tumatas ang bill I’m sure na-experience niyo lahat.

Mas nai-enjoy ko ngayon ito. Part na ito ng buhay na ikaw ang magbabayad sa lahat kaya kailangan mong kumayod,” aniya.

How true na nagtampo ang mommy niyang si Gloria Diaz sa desisyon niyang ito?

“Yes. Nothing too big naman pero minsan sinasabi niya, ay wala na akong kasama sa bahay. Siyempre Filipinos very close sa families. Pero gusto ko maging independent,” sey pa niya.

Binibisita raw niya ang kanyang ina pag walang work. Pero right now, nasa India raw si Ms. Gloria. Hindi raw totoo na nagpunta ng India si Ms. Gloria dahil nagtampo sa kanya.

“Hindi. Hindi naman. I think eventually, maa-accept din niya dahil nandun na ako, e! So support na lang siya,” aniya pa.

Anyway, leading lady si Isabelle ni Dingdong Dantes ngayong Sabado sa “Spooky Nights.”

-0o0-

HINDI na nga mapipigilan pa ang patuloy na pagsikat ng Wondergays matapos na pumatok sa mga record bars ang album nilang Blind Item under LDG Productions ng controversial Talent Manager na si Lito de Guzman, and distributed by D’ Concorde Recording Corp.

Todo effort ang ginawa ng anim na miyembro ng Wondergays na kinabibilangan nina Blue, Pink, White, Black, Gray at Green para mapaganda ang kanilang album.

Nakapaloob sa naturang album ang mga kantang Pare, Kiyeme Lang ‘Yon, Hi Hello, Oh Lala at siyempre pa ang carrier single na Blind Item kung saan ang isa pang talent ng LDG Productions and Entertainment Recording Co. na si BLANKTAPE ang siyang nag-compose ng kanta. Paborito na nga itong patugtugin sa airwaves at maging sa mga TV talk shows katulad ng JUICY ng TV5. Mapapakinggan din sila every Sunday sa kay Tita Swarding sa AM Station / 666 – DZRH at  mapapanood naman sa RHTV

Bukod sa album, pinaghahandaan na rin ng Wondergays ang nalalapit nilang concert this coming October

Yes, magkakaroon na nga ng first major concert ang sikat na gay singing group. At tulad ni Vice Ganda na aminadong paborito nilang komedyate, gusto rin nilang maipakita ang talent nila hindi lang sa pagkanta kundi maging sa pagpapatawa. Sey pa nga ng grupo, gusto nilang makasama at maka-showdown si Vice sa kanilang concert.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply