Kontra SONA ni Cayetano bukas tuloy

cayetano

TULOY sa pagdeliber si Senate Minority leader Alan Peter Cayetano sa kanyang “Kontra SONA” bukas.

Ang tradisyunal na kontra-SONA ang nasa unang listahan ng agenda sa pagbubukas ng sesyon bukas ng alas-3 ng hapon.

“The speech will be more constructive rather than kontra and more of visioning,” ani Cayetano.

Ayon sa senador, ipakikita umano niya ang good parts of the SONA, gayundin ang kanyang wish list.

“Naniniwala lang kasi ako na ang history kasi ng SONA tatlo: Una, ibibigay mo sa Kongreso at sa bayan kung ano ang present state of the nation. Ibig sabihin kumbaga sa kotse mo o sa bahay mo, ano ba? Ayos ba? Sira? Gaano kalayo pa ba ang pwedeng itakbo niyan?Pangalawa, You usually give solutions, at pangatlo, you give the opportunity of people to participate by giving a vision. Kumbaga po, nandito kami ngayon, ito estado natin, dito tayo gusto pumunta, and then ‘yung paano,” ani Cayetano.

Nauna rito, binigyang-diin ni Cayetano, kulang ang legislative agenda ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Aquino.

“I noticed last SONA, wala pong legislative agenda na nilatag. Walang bills na mga sinabi. Again, to be fair to the president, nasa backroom kami bago siya nagsalita, sabi niya ‘yung budget daw maraming attachment at ‘yung speech niya,” ani Cayetano.

“So baka doon nakalagay and I have to go through it but I’d like to use the Contra SONA which is more of a Suporta SONA to really define the vision for 2016 and 2020. Kasi kung halimbawa kritiko ka, we need something to unite us,” ani Cayetano.

Ayon sa senador, ang kailangan umano ay ang healthy debate para makakita ng solusyon sa mga problema sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply