Kontraktuwalisasyon ni PNoy bersus mga nars

ANG natatandaan natin, nagsimula ang buwiset na batas ni ex-Senator Erning Herrera na Herrera law noong 1989.

Taong 1994 naman nang maging aktibo ang maraming mayor sa Kamaynilaan sa pagsusulong ng Herrera law na yan.

Yang Herrera law, Suki, ang tinatawag na mader op ol kontraktuwalisasyon.

Hanggang limang buwan ka lang dahil ayaw paabutin ng mga employer sa anim na buwan ang iyong empleyo.

Kung umabot ka sa anim na buwan, baka maging regular ka na…na ayaw na ayaw ng mga employer na mangyari.

oOo

Sabi ng mga mayor noon, maganda ang Herrera law dahil lahat ng mga obrero ay mabibigyan ng tsansa na magtrabaho at hindi ang iilan lamang.

Ngayon, sumasakit na ang ulo ng mga mayor, pati na ang mga gobernador, bokal, konsehal at iba pa dahil panay kontraktuwal na ang maraming obrero.

Laksa-laksa ang mga ito sa paghahanap ng trabaho at pinuputakte ng mga kontraktuwal ang opisina ng mga ito para kumuha ng rekomendasyon.

Ang masakit, Suki, wala nang balikan ang patakaran sa pinanggalingan mong kompanya. Higit na masakit, Suki, walang gaanong naitatayo na mapapasukan.

Kung nangungupahan ka, pag siningil ka ng kompanya ng kuryente at tubig, pag na-dengue ka, pag nagutom ka pagkatapos ng kontrata mo, patay kang bata ka, pati pamilya mo.

oOo

At alam ba ninyo na pati ang gobyernong PNoy ay pinaiiral din ang kontraktuwalisasyon?

Oo, Suki, tanungin niyo pa ang mga nars.

Hanggang wan yir lang pala ang hiring sa mga nars at pagkatapos nito, papalitan na sila.

Bahala na ang mga nars sa buhay nila makaraan dahil neber na silang makababalik pa sa trabaho.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply