Korapsyon mareresolba sa 2015– solon

TIWALA si Quezon City Rep. Winnie Castelo na masusugpo ang korapsyon sa gobyerno pagdating ng 2015 kung makukuha lamang ng administrasyon ang suporta ng publiko at pribadong sector.

“A different, albeit special, kind of political will be necessary to drive away from public service the corrupt elements,” ayon kay Castelo.

Ang mambabatas ay naghain at nagmungkahi ng ilang hakbangin upang labanan ang katiwalian sa bansa.

Kabilang dito ang pagdaragdag sa alokasyon ng Office of the Ombudsman ng hanggang sa isang porsiyento ng taunang pambansang badyet.

“Because of its limited budget, the Office of the Ombudsman could hardly build up cases and prosecute them, as shown by its batting average of winning only 7% or less of all lawsuits it has filed in court is hardly satisfying,” sinabi pa ni Castelo.

Nakahihiya rin aniya na ang Pilipinas ay naituturing na isa sa pinakatiwaling bansa sa Asya ngunit kung may political will ay hindi malayong maresolba ang malawak na korapsyon sa bansa.

Pinipigil din ng korapsyon sa malawakang pagbabago sa bansa, pagpasok ng maraming negosyo at maging ang mga mahihirap ay hindi nabibigyan ng pagkakataon na mapagsilbihan ng pamahalaan.

Sinabi ni Castelo, ibinase niya ang kaniyang anti-corruption agenda sa buong kooperasyon ng publiko at pribadong sektor. Aniya magtatagumpay ang kampanya laban sa katiwalian kung magtutulungan ang pamahalaan simbahan, civil society, business community, mga guro, kabataan at mga professional.

“What we need now a new social movement that would reject corruption as a way of life and usher a new mass culture that highlights integrity in public service,”ani Castelo.

Dapat din aniyang maging regular ang lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno upang agad makasuhan kung kinakailangan ang sinomang nagnanakaw sa bansa.

Sa anti-corruption agenda ni Castelo ay naudyok ang Kongreso upang maisabatas ang Whistlebowers’ Protection Law upang hindi matakot ang ang mga testigo na isiwalat ang kanilang nalalaman.

“Sustained lifestyle check of public officials; enactment of a law protecting whistleblowers; empowerment of the private sector to go after corrupt public officials; development of a mass culture that rejects corruption as a way of life, and creation of an “anti-corruption army, which would involve and represent a critical mass of ordinary citizens, who would run after corrupt public officials,” wika ni Castelo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply