Bagong kotse kinarnap sa Kyusi

Isang bagong-bagong Toyota Super Grandia van ang tinangay ng mga carkjackers kagabi, Agosto 18.

Ayon sa report ng dzMM, tinangay ng tatlong armadong lalaki ang van na minamaneho ng family driver na si Rodolfo Elpos sa may Esteban Abada St. sa Barangay Loyola Heights, naturang lungsod.

Ayon kay Elpos, ibinaba niya sa isang restoran ang kanyang mga amo at nang makaparada, tatlong lalaki ang lumapit sa kanya at tinutukan siya ng baril.

Nabatid pa na isinakay siya sa van at nagpaikot-ikot sila hanggang ibaba siya ng mga suspek sa Calamba St. sa Banawe, Quezon City.

Kwento pa ni Elpos, narinig pa niya ang mga carjacker na may kausap sa cellphone tungkol sa isa pang sasakyan na kanila ring kina-carjack ng mga oras na iyon.

Naialarma na ng Quezon City Police District Anti-Carnapping Unit ang insidente

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply