Krisis sa Grandstand

JUSTICE, compensation at apology ang hinihingi ng mga survivor at kamag-anak ng mga na-massacre sa Quirino Grandstand nang i-hostage ng isang pulis-Maynila ang isang tourist bus noong isang taon.

Ngunit ayaw mag-apologize si President Aquino III.

Hindi raw gawain ng isang Presidente at ng kanyang pamahalaan ang mag-apologize sa isang isang krimen na wala naman siyang kinalaman.

Mali si President Noy. Ang massacre ay nangyari dahil sa kapabayaan niya at ng kanyang mga tauhan, kasama na ang mga opisyal ng Manila city hall at ng Philippine National Police (PNP), kaya nangyari ang madugong hostage crisis sa Luneta.

Hustisya rin ang dahilan kung bakit namatay ang walong Hong Kong nationals dahil sa katigasan ng ulo ng Ombudsman at ng kanyang deputy na napabalitang kinikikilan pa si Police Inspector Rolando Mendoza ng ilang daang libong piso para lang sa kanyang reinstatement. Si Mendoza ay isang multi-awarded na pulis.

Asahang lalala pa ang hidwaan ng Hong Kong at ng Pilipinas dahil sa hostage crisis na ‘yan, isang bagay na madali namang iwasan kung ang ating Pangulo lang ay humingi ng sorry sa mga namatayan at nasugatan sa grandstand.

Adding insult to injury, wika nga ng mga inglesero, ni hindi inasikaso ng ating pamahalaan ang pagpapadala ng mga patay at mga sugatan sa mga ospital. Ni hindi man lang sinagot ang bayad sa ospital. Nasaan naman ang puso ni PNoy sa mga nasawi at nasaktan?

Itong linggo, sumakay papuntang Maynila ang mga kamag-anak ng mga Tsinong biktima ng Luneta hostage crisis pero ano ang kanilang na pala?

Mabuti pa ang chief negotiator na si Orlando Yebre na pumunta sa scene of the crime noong Martes upang humingi ng paumanhin sa mga survivor at mga biktima at tinanggap niya ang galit ng mga Tsino sa ating gobyerno.

Sabi noong Martes ni Lee Ying Chuen, isa sa mga pasahero ng ill-fated tourist bus noong August 23:

“We are still angry a year after and we have not received any word of apology from the government of the Philippines.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply