Kuala Lumpur nangangailangan ng 40,000 manggagawa

NAGPAHAYAG ang Federal Land Development Authority (FELDA) na nangangailangan ngayon ang Malaysia ng 40,000 na manggagawa para sa pagpapalawak ng kanilang palm oil farms.

Ito ang sinabi ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Executive Secretary Naguib Sinarimbo mula kay Suhaimi Zainuddin, deputy director-general ng administration and finance ng FELDA matapos ang kanilang pagpupulong noong Hulyo 27 sa headquarters ng FELDA sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Si Sinarimbo ang nanguna sa walo kataong delegasyon mula sa ARMM para sa ginawang trade mission sa nasabing bansa mula Hulyo 26 hanggang Hulyo 31.

Ayon kay Sinarimbo, ito ay magandang oportunidad para sa mga Pinoy na gustong magtrabaho sa ibang bansa.

Dagdag pa ni Sinarimbo, ipinarating sa kanila ni Zainuddin na ayon sa obserbasyon ng FELDA ang mga manggagawang Pinoy ay mga masunurin at masisipag, mga katangiang hinahanap ng mga kumpanyang gumagamit ng settler-farming scheme.

Ayon sa FELDAs report, nagsimula ito noong 1956 na may layuning mag-channel ng financial assistance sa Malaysian states governments.
Noong 1961, nagkaroon ito ng kapangyarihang mag-implementa ng mga development programs sa buong bansa ng Malaysia.

Sa ngayon ang FELDA ay may 853,313-hektaryang sakahan na may tanim na oil palm, rubber, sugar cane at iba pag value crops, at mayroon pang dagdag na 42,173-hectare para sa mga 112,635 settler-families o 1.6 million individuals ayon sa FELDA report.

Ayon kay Sinarimbo at ARMM Employment Secretary Myra Alih na aayusin nila kaagad sa kanilang pagbabalik ang mga dokumento para sa pagpasok ng mga mangagawa mula sa ARMM sa FELDA employment program.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply