Kudos kay Supt. Norberto Babagay

KUDOS kay Supt. Norberto Babagay, hepe ng Galas Police Station. Nang dahil sa ginawang sunod-sunod na raid ni Col. Babagay at mga tauhan sa mga lugar na bagsakan ng accessories ng mga carnapped car sa Banawe, Quezon City, medyo nakabawi ang Quezon City Police District sa pabagsak na estado ng imahe dahil sa ‘di masawa-sawatang komisyon ng krimen.

Gabundok na iba’t ibang uri ng spare parts ng Honda, Toyota, Hyundai, Ford at iba pang sasakyan ang kinumpiska ng grupo ni Col. Babagay sa raid na isinagawa sa lugar ng isang nagngangalang ‘Nonong Racho’ sa 60 Cardiz St., Tatalon, QC bandang alas 3:00 ng hapon noong Agosto 13.

Sumunod na araw, nilusob din ang Bana Bisayan area Familara St., doon pa rin sa Bgry. Tatalon na pag-aari ng isang Weng Teologo at Bogs Teologo at nadiskubre rin ang daan-daang piraso ng iba’t ibang carnapped car accessories.

Maliwanag na ‘accomplishment’ ang trabaho na ito ng Galas Police Station na nagpatingkad kay C/Supt. George Regis na palaging sentro ng batikos dahil sa kahinaan ng kanyang liderato na sawatain ang lumalalang insidente ng patayan, carjac-king, holdap at kung ano-ano pang krimen sa lungsod.

Ayon kasi sa ulat, kaya tumataas ang crime incidents sa lungsod ni Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista ay dahil sa pabagsak na moral ng QCPD cops, dahil, ayon sa kanila,  mahina ang pamumuno ni Gen. Regis.

Imbes daw kasi na paglaban sa mga kriminal ang gawin, ang inaatupag ng Regis leadership ay pagkakitaan, tulad ng panghihingi ng ‘lagay’ sa mga iligal, tulad ng sugalan at bold shows sa mga club.

Umiiral, din ayon sa ilang police informant ng chokepoint, ang bangketahan. Ito ay lengguwahe sa sirkulo ng kapulisan sa mga nahuhuling kriminal na pinatatakas matapos hihingan ng pera at ‘di na dinadala sa police station para imbestigahan.

Kung ang mga QCPD commanders ay magtatrabaho lang, katulad ng ginawang raids ni Col. Babagay at mga tauhan sa mga bagsakan ng carjacked accessories, siguradong walang batikos bagkus papuri ang maririnig si Gen. Regis.

Kay Col. Norberto Babagay…sir, keep up the good work.

Sana dumami ang ‘Col. Noberto Babagay’, di lang sa QCPD, kundi sa buong pambansang kapulisan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply