Kung ang mga direktor ay natatakot: Lahat ng kapareha nenerbiyos kay Ate Guy

IBANG klase talagang aktres si Nora Aunor. Ngayon lang kami nakakita ng artista kung saan ang kanyang mga kasama ay nenerbiyos sa kanya. Heto nga’t buong ningning na ikinumpisal ni Rosanna Roces na ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib kapag nandoon na siya sa Taal, Batangas at magte-taping na ng “Sa Ngalan ng Ina.” Gayundin naman si Christopher de Leon at si Nadine Samonte na umamin na nararanasan din nila ang ganitong pakiramdam.

Pero ‘yung mga direktor ni Nora ay maliban sa kinakabahan, natatakot din…hindi sa galing niya sa pag-arte dahil hindi naman sila magkaka-eksena, kundi sa pangambang baka magloka-lokahan na naman si Ate Guy at bitinin sila sa kanilang mga trabaho.

Bagama’t idinaan ni Tikoy Aguiluz (direktor ni Nora sa “El Presidente” na pinagbibidahan ni Gov. ER Ejercito) sa biro ang kanyang sinabi sa magaling na aktres, sa kaloob-looban niya ay talagang worried siya sa pabago-bagong ugali ng Superstar.

Maging si Mario O’Hara, direktor naman ng multi awarded actress sa mini-series nito sa TV5 ay may pag-aatubili rin daw na baka dumating din ang point na maging biktima ulit siya for the nth time ng una sa ugali nitong kakaiba. Hehehe!

Going back to Rosanna, ang yabang-yabang na naman daw nito ngayon at pinangangalandakan ang pagkakapili sa kanya bilang kontrabida ni La Aunor sa naturang proyekto.

Okey lang ‘yun. Talaga namang dapat siyang maging proud. Iyon nga lamang, bawasan na niya ang hanging nasa tuktok niya at ang pagiging maangas dahil dito siya natitimbog. Sa sobrang kayabangan nawawalan siya ng career.

Maliban sa kanyang trabaho, asikasuhin niya at tututukan ang mga anak na hindi niya masuweto.

***

KAKATAWA naman itong balitang hindi pa nga raw nakakapag-perform ng kanilang duties and responsibilities sina Cristy Fermin at Pilar Mateo bilang mga PRO raw ni Nora Aunor, heto’t tsugi na agad. Hahaha!

Unfair ito kay Pilar dahil hindi naman siya nagpriienta para sa trabahong ito. Pero si CSF daw ay talagang nag-alintana para lamang makuha ang nasabing posisyon. Naging crocodile skin (mahigit 30 years daw nilait-lait ni CSF si Ate Guy hanggang sa makabalik ito sa Pilipinas) ito, kinain ang mga idinura, ngunit ang masamang kapalaran at si Carmi Martin ay mabilis na dumarating.

Ngayon balik sa rating gawi, sinisiraan na naman daw ulit ni CSF ang Superstar. Tsk..tsk..tsk!

Tao ba ini!

***

Aso ni Sarah love ni Gerald

HINDI yata matiis ni Gerald Anderson na makita si Sarah Geronimo na nahihirapan habang karga-karga ang aso nitong Yorkshire Terrier kaya bumili siya ng Louis Vuitton dog carrier at iniregalo sa dalaga.

Baka ang sumunod na ibigay ni Gerald ang tali naman para hindi napapasama ang aso ni Sarah sa mga askal na alaga ni mommy Divine. Hahaha!

Anyway, regalo ito ng binata sa kaarawan ng Pop Princess, at isang paraan na rin ng panliligaw nito. Obvious naman di ba?

At sabi nga, kapag minahal mo raw ang isang tao dapat pati mga mahal nito sa buhay ay mahalin mo rin para patunayang malinis ang hangarin mo. Kaya heto’t pati aso ni Sarah ay labs na rin ng binata. Hahaha!

Labis naman ang pasasalamat ng dalaga sa thoughtfulness ng binata na aniya ay super attractive ito para sa kanya. Hhmmmm…may naaamoy ba kayong hindi kaaya-aya at hindi pabor sa inyo mga Kimerald fans?

Well, wala kayong magagawa buhay ‘yan ni Gerald at wala na kayong pakialam don. Kung humahanga kayo at sumusuporta kina Kim at sa rati niyang boyfriend, fine. Huwag na lang ninyong pakialamanan ang personal nilang buhay. Naintindihan n’yo?

Samantala, ayon naman sa magaling na singer, masyado pa raw maaga para pag-usapan ang nabubuhay na naman niyang lovelife dahil sa makulit na si Anderson.

‘Yun na!

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply