Kuwentahin mo!

KUNG hindi kayo naninigarilyo at makikinig kayo sa debate ng mga mambabatas tungkol sa panukalang batas na iangat ang buwis sa sigarilyo ay magtataka kayo.

Magtataka kayo kung bakit may mga mambabatas na tutol sa mas mataas na buwis sa sigarilyo.

Siguro ang iniiwasan ng ilang mga mambabatas na masira ang negosyo ng mga gumagawa ng yosi.

Kung tutuusin naman talaga ay maapektuhan ang tobacco industry at may responsibilidad din naman ang gobyerno ng Pilipinas para protektahan ang mga negosyante.

Pero sino ang mas mahalaga? Ang tobacco industry ba o ang milyon-milyong Pilipino na nagkakasakit dahil sa pagyoyosi?

Kung susuriin kasi may mga proteksyon laban sa dagdag na buwis ang mga cigarette manufacturer kaya naibebenta nila ng mas mura ang sigarilyo.

Hindi ba nga at ang mga smoker na pumupunta sa ibang bansa ay nagbabaon ng pake-paketeng sigarilyo mula Pilipinas dahil napakamura ng sigarilyo dito sa atin kung ikukumpara sa ibang bansa.

Kamakailan lang ay may nabasa akong ulat na nagsasabi na ang kinita ng gobyerno mula sa buwis galing sa mga sigarilyo ay halos P24 bilyon kada taon.

Ang laking pera diba?

Pero tanungin mo kung magkano naman ang ginagasta ng pamahalaan para sugpuin o bigyang lunas ang mga karamdaman na dulot ng yosi – P150 bilyon bawat taon!

Ito ay ayon daw sa pagtantya ng World Health Organization.

Kailangan pa bang ispelengin ito? Ang punto ko lang naman dito, bakit pinangingimian ng administrasyong Aquino ang pagsulong sa sin taxes, partikular ang pagtataas ng buwis sa mga sigarilyo.

Hindi naman natin aabusuhin, hindi natin ilalagay sa alanganin ang karapatan ng mga negosyante, aayusin lang ang balangkas ng pagpapataw ng buwis sa sigarilyo, ilalagay sa tamang taas at sa tamang kwenta.

At ano ang resulta nito? Mas masusugpo ang pagsisigarilyo ng mas mabilis pa kaysa sa ipinataw na yosi ban sa mga public places dahil magmamahal ang sigarilyo at kokonti na ang gagasta para sa bisyong ito.

At kapag nagkaganon, maililigtas natin ang ating mga kababayan mula sa kanser na dulot ng yosi at kikita pa ang Pilipinas. Ano ang say nyo?

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply