Kuwestiyunableng poker den sa Manila

BINANGGIT natin nitong nakaraang mga araw ang isang piskal sa Pasay City na nagugumon sa casino na malakihan
kung tumaya.

Hindi mayaman ngunit bigtime kung tumaya.

May kinalaman ba ang pagiging bigtime sa casino ang piskal sa mga kasong hinahawakan niya?

At sino siya?

Sa Maynila naman, dapat na paimbestigahan ni Manila Mayor Fred Lim ang Royal Flush poker den sa ground floor ng Lido de Paris Hotel diyan sa Chinatown area sa Binondo.

Paano nabigyan ng business permit ang isang sugalan na malapit lang sa simbahan ng Sta. Cruz at eskuwelahan sa nasabing lugar?

Paano rin kaya nabigyan ng permit ng poker department ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang sugalan na ito gayong ang isa sa mga Tsekwang may-ari nito ay kilalang “bata-bata” sa Chinese community ni dating First Gentleman Mike Arroyo?

At bakit naman kaya binigyan ng Manila City Council ng “letter of no objection” o “go-signal” ang sugalang ito gayung alam nila na malapit lang ito sa simbahan at eskuwelahan?

Totoo kaya na isang Tsekwang konsehal ng Maynila ang nagbibigay ng proteksyon sa grupo ng mga Tsekwang may-ari ng sugalang ito matapos umanong makatanggap ng P300,000 bilang suhol?

Marami pang kalokohan ang bumabalot sa poker den na ito na dapat malaman ni Mayor Lim.

Isa pa mukhang nabukulan din si Mayor Fred sa transaksyong ito. Abangan!

Anomang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0999-4333437 o kaya’y e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply