Kyla at Rich wedding sa November

WALA nang makapipigil sa pagpapakasal nina Kyla at Rich Alvarez. Ginawa na ni Kyla ang announcement ng kanyang wedding sa Party Pilipinas at ito ay sa November 28, 2011. Kuwento ni Kyla, sobrang ngarag na siya sa ginagawa nilang wedding prepa- ration. Nagsimula silang mag-ayos for the wedding noong nakaraang March ng taong ito. Kahit na mayroon silang wedding planner, gusto pa rin daw ni Kyla at Rich na personal din nilang nakikita at nakakausap ang mga suppliers.
Marami nga raw na mga papeles ang kailangan at kung sinu-sino raw ang kinakausap nila para sa pag-aayos sa simbahan, sa reception at sa kung anu-ano pa.
Nagugulat nga raw si Kyla na sa gitna ng pagiging ngarag niya sa wedding prepara- tion ay nagagawa pa rin niyang magkapag-show sa kung saan-saan.    Hindi nga raw biro ang gastos para sa kanilang kasal ni Rich. Nakapag-downpayment na raw sila sa iba at malaking amount pa rin ang kakailanganin nila kaya tuloy pa rin ang trabaho nila kahit ngarag sa paghahanda sa kanilang kasal sa November.
***
Dalawang taon na hindi nag
-uusap ang mag-amang Bembol Rocco at Felix Rocco pero pagdating sa trabaho ay walang problema kay Roccco na makasama ang ama.
Trabaho ang habol ni Rocco at hindi sa kung anumang may kinalaman sa personal na problema nilang mag-ama.
Tsika ni Felix, nagsimula ang hindi nila pag-uusap na mag-ama noong iwan silang mag-iina ng kanyang ama.
Ayaw na lang sabihin ni Felix ang ugat ng sama ng loob niya sa ama. Masyado raw personal na hindi puwedeng sabihin in public. Pero alam daw ng ama niya kung ano yun.
Sabi pa ng baguhang actor, gumawa siya ng paraan para mag-usap sila ng ama pero wala raw nangyari at hindi pa nakikita ni Felix ang tsansang magkakausap sila.
Magkahiwalay rin ng TV station ang mag-ama. Si Bembol ay madalas sa GMA 7 at si Felix naman ay nasa TV 5.
***

Dion Ignacio Marami Ang Nami-miss Ang Kanyang Kakaibang Machismo

Nasaan na ba ang GMA-7 stud na si Dion Ignacio?
Sa totoo, hunk na hunk ang kanyang dating pero parang di gaanong nag-take-off ang kanyang showbiz career.
Sana naman ay maging visible siyang muli dahil miss na siya ng kanyang mga tagahanga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply