La Mesa Dam malapit nang umapaw

NASA alert level na ang La Mesa Dam sa Quezon City dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan na sanhi ng hanging Habagat.

Ayon kay Engr. Teddy Angeles, manager ng dam, naka-red alert sila ngayon (Miyerkules, Agosto 31) dahil 25 centimeter (cm) na lang at aapaw na ang dam.

Kaninang alas-12:00 ng tanghali ay nasa 79.90 cm na ang water level ng dam gayong 80.15 cm ang spilling level nito.

Babala ni Angeles, kapag hindi pa tumigil ang malakas na ulan, aapaw na sa susunod na dalawa o tatlong oras ang dam.

Sakaling umapaw ang dam ay makararanas ng baha ang mga lugar sa Tullahan River at maaaring maapektuhan ang ilang barangay sa Quezon City, Caloocan, Malabon at Valenzuela City.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply