Lady Archers tinuka ng Lady Eagles

PINAWISAN ng todo sina Alyssa Valdez at Bea Tan ng Ateneo Lady Eagles ng dagitin nila sina Michelle Gumabao at Camille Cruz ng De La Salle Lady Archers.

Nilipad ng Lady Eagles ang 21-19, 19-21, 15-2, panalo sa Lady Archers upang sikwatin ikalawang sunod na panalo sa UAAP 74 women’s beach volleyball sa UE sand courts sa Caloocan kahapon.

Nakatama ng palaso ang DLSU sa second set subalit sa third set ay umatake na si Valdez para sa panalo ng Ateneo.

Kasama ng Ateneo sa liderato ang UST Tigresses at FEU Lady Tamaraws.

Tinalo ng Tigresses ang NU Lady Bulldogs, 21-12, 21-16. Sinuwag naman ng Lady Tams ang UP Lady Maroons, 21-8, 21-12 at dinaig ng Adamson ang UE, 22-20, 17-21, 15-11.

May 1-1 ang Adamson, UE at UP, 0-2 ang DLSU at NU.

Sa men’s, biniktima ng FEU (2-0) ang DLSU, pinabagsak ng UST (2-0) ang UE (1-1), pinaamo ng UP (2-0) ang NU (0-2) at inilaglag ng Adamson (1-1) ang Ateneo (0-2).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply