Filipina diplomat bobo, duwag–Malakanyang

BINUWELTAHAN ng Malakanyang ang Filipina diplomat na nagsabing maaaring maharap sa ”act of treason”  ang “secret meeting” ni Pangulong Benigno Aquino III kay  Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Al Haj Murad Ibrahim sa Tokyo, Japan

Para kay Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte, ang naging remark ng hindi pa nagpakilalang babaeng  Filipino diplomat ay kaduwagan, undiplomatic at kabobohan.

“That remark is cowardly, it’s undiplomatic, and it’s unintellingent for the following reasons: Obviously, kung bakit po undiplomatic, I think alam naman po nating lahat ‘yan; cowardly because if this person really feels, particularly feels strongly about this issue then we see no reason kung bakit hindi n’yo po bigyan ng pangalan. Kung talagang naninindigan po tayo eh wala naman po sigurong masama kung magpakilala po tayo at sabihin nating hindi po tayo nag-a-agree sa ginawa ng Pangulo. Pangatlo, unintelligent dahil kahit ho sinong abugado magsasabi po sa inyo ng ibig sabihin po ng treason at obviously ‘yung ginawa po ng Pangulo ay napakalayo naman po… napakalayo po ng ginawa ng Pangulo doon sa sinasabing it was an act of treason,” ang paliwanag ni Usec. Valte.

Dahil dito, walang dahilan para pag-aksayahan ng panahon ng Malakanyang ang hindi nagpakilalang babaeng diplomat.

Sa kabilang dako, kung mapapansin aniya na tila out of the box na measure ang naging hakbang ng Pangulong Aquino para mapabilis ang peace negotiations sa MILF ay mabilis ang naging tugon ni Usec. Valte na dalawang Pangulo pa lamang ang gumawa ng mapangahas na hakbang na ito. Ito aniya ay sina dating Pangulong Corazon Aquino at ang Pangulong Noynoy Aquino.

“The last President who did that was former President Corazon Aquino and after that wala na pong nangahas, wala na pong nagtangka na ginawa po din ang ginawa ni Pangulong Aquino. By far, we have seen that positive po ang reactions ng atin pong mga kababayan lalo na po ‘yung mga stakeholders po sa Mindanao. Nakita po natin even those who were part of the previous peace panels under [the previous] administrations have been one in saying that it was a good step for the peace process,” aniya pa rin.

Samantala, muling inulit ng Malakanyang na hindi pampogi points ang pakikipagpulong ni Pangulong Aquino kay Murad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply