Lady Eagles nilimas ang Water Dragons

KINAILANGAN ng Ateneo Lady Eagles ang apat na sets para makabalik sa win column nang tuyuin ang Maynilad Water Dragons noong Linggo sa Shakey’s V League pen Conference sa The Arena, San Juan City.

Ang 25-17, 23-25, 25-20, 25-15 na panalo ay nasungkit sa 51 hit output nina Alyssa Valdez at Fillet Cainglet kung saan nagpakawala ng 22 kills at 20 solidong atake ni Cainglet.

Bukod sa scoring ay nakatig-tatlong block ang pampabato ng Lady Eagles.

Napigilan din ng Katipunan Base Volleybelles si Maynilad top hitter na si Joy Cases na nakaiskor lang ng 8 points kumpara sa kanyang average 12 points kada laro.

Sasabak bukas ng hapon ang Water Dragons kontra air Force Airwomen habang tatangkain ng Lady Eagles makuha ang ikalawang panalo laban sa San Sebastian College Lady Stags na kasama sa pangunguna ang Lady Troopers sa tuktok ng quarterfinals.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply