Lady Stags, Lady Troopers magkasama sa ibabaw ng Shakey’s V-League standings

MULING nagpantay sa tuktok ng quarterfinals ang San Sebastian Lady Stags at ang Army Lady Troopers sa Shakey’s V-League Season 8 Open Conference kasunod ng pagtatala ng magkahiwalay na panalo laban sa Lady Sailors at Ateneo Lady Eagles, ayon sa pagkakasunod sa The Arena sa San Juan City kahapon (Huwebes, Agosto 25).

Nagpasabog si American import Lauren Ford ng career high 33 points para sa 23-25, 25-12, 25-21, 24-26, 15-10 panalo ng Lady Stags. Kabilang sa impresibong rekord ng 6’2 American veteran na si Ford ang 26 attack points, 4 blocks at 3 service aces.

Nagtulong naman ang magkapatid na Carolino, Michelle at Marietta, sa pagpapalagapak sa Ateneo Lady Eagles sa loob ng 4 sets, 21-25, 25-14, 25-17, 25-17 na sa unang pagkatalo ng Katipunan crew sa kanilang unang pagsabak sa quarterfinals.

Nasiyahan si Army coach Rico de Guzman sa pagsisikap ng kanyang second stringers kasunod ng mababang produksyon na 5 hits ni Rachel Ann Daquiz nang bumuwelta sina Dahlia Cruz, Kristina Salak at Mary Jean Balse tungo sa pangingibabaw ng Lady Troopers.

Muling sasabak ang Ateneo Lady Eagles kontra sa Maynilad sa Linggo habang sisikapin ng Army na iwan ang Lady Stags sa team standings sa pagsalpok nila sa Airwomen sa The Arena.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply