Lamok na bilanggo at malayang mga buwaya

BIGLANG sumakit ang ulo ko sa napanood kong pelikula sa Senado.

Sino ang hindi sasakit ang ulo sa nahuli ng mga senador na  nagsisinungaling daw sa August Chamber ng Senado?

MALIIT PA SA LAMOK

Si Rowena del Rosario na mas maliit pa yata sa lamok na may dengue ang ibinilanggo.

Wala pang buwaya na nahuhuli ang ating magigiting na senador.

Nagsisinungaling daw ang kawawang ale at pinagtatakpan nito ang kanyang mga bosing na sina Kong. Iggy at ex FG Mike sa lokohan sa helikopter na ibinenta sa mga parak.

Anyway, kapangyarihan ng mga senador ang gumawa ng detention sa mga inaakala nilang bumabalasubas sa kanila.

Ganito rin sa Kamara.

Para naman may consuelo tayo sa susunod, dapat buwaya naman ang makikita nating kanilang gagapusin.

PORK BARREL

Para magkaroon ng mas magandang imahe ang mga senador, dapat mag-imbestiga rin sila sa sarili nilang hanay.

Ganito rin dapat sa Kamara.

Imposibleng walang balasubas sa paggastos ng mga pork barrel.

Ang problema, nagkakatakutan ang mga ito kung ang magkabilang panig ang magpadalo sa mga imbestigasyon sa kani-kanilang teritoryo.

Kung isinasangkalan ng mga dumadalo sa mga hearing sa Kongreso ang “right to privacy”, “right against self-incrimination” at iba pa, isinasangkalan naman ng mga mambabatas ang “interparliamentary courtesy” para hindi nila makalkal ang baho ng isa’t isa.

Todo-iwas naman ang mga ito na imbestigahan nila ang kanilang mga seatmate at partymate sa Senado at Kamara.

Noon nga lang iniimbestigahan ang anomalya raw sa C-5 kaugnay ng lupa ni Sen. Villar, wala man lang nangahas na manggapos sa mga posibleng nagsisinungaling.

Itong si Jamby Madrigal lang ang nakitang may yagbols noon.

Lahat naging malambot sa kasong ito at ang ending, walang nagsinungaling.

Palibhasa, may mga buwa-yang sangkot sa iskam na ito.

Yan ay kung totoo ang mga pinagsasabi ni Jamby noon.

O baka naman walang buwayang sinungaling?

Kawawa namang ang mahal kong Pinas.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply