Landslide sa Pangasinan: 2 paslit nalibing ng buhay

DALAWANG paslit ang nalibing ng buhay makaraan magkaroon ng landslide bunsod ng bagyong Mina sa lalawigan ng Pangasinan kaninang madaling-araw, Agosto 27.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, nasawi ang isang 5-anyos at 6-anyos , pawang mga miyembro ng pamilyang Bautista.

Base sa ulat na natanggap ni Ramos, natabunan ang bahay ng mga Bautista sa Barangay Ramon, San Fabian at kaagad namang tumugon ang kagawad ng PNP at Office of Civil Defense ng Region 1 sa naturang insidente.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply