Langis mula sa lumubog na barko pahihigop ng PCG

INIUTOS na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paghigop sa tumagas na langis mula sa lumubog na M/V Asia Malaysia sa karagatang sakop ng Ajuy, Iloilo.

Ayon kay PCG spokesperson Lt. Commander Algier Ricafrente, ibinigay ni Commandant Admiral Ramon Liwag ang direktiba matapos na personal na inspeksyunin ang bisinidad para sa oil spill mitigation measures na isinasagawa ng PCG sa Western Visayas.

Sa tala ng PCG, may kargang 20,000 litro ng langis ang nasabing cargo vessel nang lumubog ito noong nakalipas na Hulyo 31 sa karagatan ng Calabasa Island sa Ajuy, Iloilo.

Ayon sa opisyal, dapat na umanong matanggal ang langis sa mga tangke upang hindi na lumala ang sitwasyon sa hinaharap.

Kaugnay nito, bukod sa oil spill ay mahigpit na binabantayan din ng coastguard na hindi anurin ang barko patungo sa isang coral reef malapit sa Negros Occidental.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply