Lapnos ang Smart Gilas sa Korean nationals, 70-78

PINABAGSAK sa kanilang ikalawang pagkatalo ang Smart-Gilas Pilipinas ng Korean national team sa iskor na 70-78 sa 33rd William Jones Cup sa Hsingchuang Gym sa Hsingchuang, Taiwan Miyerkules ng gabi.

Nalaglag sa pang-apat na pwesto ang Team Pilipinas tangan ang 3-2 win-loss slate ng 8-team composition na pinangungunahan ng Korea (5-0), host Taiwan at Team Jordan na kapwa tangan ang 3-1 win-loss record.

Naghabol ang Smart-Gilas sa 70-74 sa huling bahagi ng last quarter subalit nagkalat si Mac Baracael, dalawang saltong pasa ni Marcus Douthit na nakuha ng kalaban at ang isang nakapanghihinayang na travelling infraction ni Marcius Lassiter tungo sa pamamayani ng mga Korean cager.

Nauwi sa wala ang 27 points ni JV Casio at ang 16 puntos at 8 boards ni Douthit sa masama nilang 16 turnovers na sinamantala ng 7’3 na dating NBA player na si Ha Seung-jin na dumakdak bukod sa dalawang free thrown ni natural forward Moon Tae-jeng na nagsara sa laro.

Gaganti ngayong alas-3:00 ng hapon ang Pinoy nationals kontra United Arab Emirates kasunod ng opening game ng Japan versus Malaysia habang maghaharap ang Korea at ang sumesegundang Jordan sa third game at ang pinakahihintay na sagupaan ng Iran nationals at ng host Taiwan sa featured game.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply