LBP nakiisa sa paglilinis ng Manila Bay

MAGING ang Land Bank of the Philippines ay nakiiisa na rin sa kampanya ng pamahalaan sa paglilinis ng mga tambak ng basura sa paligid ng Manila Bay.

Kasunod ito ng ginanap na clean up drive ngayong umaga ng Sabado, Agosto 20.

Ipinagkaloob din ng LBP ang isang garbage boat sa pamahalaang lungsod ng Maynila na siyang gagamitin sa regular na paglilinis at paghahakot ng mga basura sa paligid ng Manila Bay.

Kasabay nito, lumagda rin sa deed of donation sina LBP president at chief executive officer Gilda Pico at Manila Mayor Alfredo Lim sa official turnover ng nabanggit na barge na ihihimpil sa port ng Manila Yacht Club.

Kasabay din nito ang pagpasok sa Memorandum of Agreement sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Landbankers Multi-Purppose Cooperative  bilang pagpapahayag ng partisipasyon sa Manila Bay SUNSET (Socially Responsible and United in Nurturing  and Sustaining the Environment Partnership Program).

Bukod sa nabanggit na dalawang ahensiya ay kabilang din sa SUNSET Partnership Program ang City of Manila, Department of Environment and Natural Resourcdes, Manila Broadcasting Company, Diamond Hotel Philippines at ang Manila Yacht Club. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply