Lebanon makaeensayo ng Smart Gilas

TOTOONG tune-up games ang susuungin ng Smart Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa nalalapit Fiba Asia Championship sa Wuhan, China ngayong Setyembre.

Karagdagang de-kalidad na team na makakaensayo ng Smart Gilas ay ang 2010 Stankovic Cup champions na Lebanon na nagpahayag ng interes na magtungo sa bansa. Dagdag ito sa unang naka-iskedyul na preparasyon laban sa national team ng Qatar at Jordan na kapwa de-kalidad na team sa Middle East.

Hudyat din ito ng pagpasok ng mga Talk ‘N Text PBA players na sina Jimmy Alapag, Ranidel de Ocampo at Kelly Williams na magsisimula na ring makipag-ensayo sa koponan ni coach Rajko Toroman. Ang tatlo ay makakasama nina naturalized center Marcus Douthit na pabalik na sa bansa mula sa 2 linggong bakasyon sa USA, skipper Chris Tiu na piniling manatili sa Smart Gilas sa halip na sumali sa 2011 PBA Rookie draft at ang Pinoy forward na si Japeth Aguilar.

Ang mga de-kalidad na manlalaro ng Smart Gilas na lumahok sa draft ay sina top pick JV Casio, Marcio Lassiter, Chris Lutz, Mark Barroca, Mac Baracael, Jason Ballesteros, Dylan Ababou. Hindi pa inihahayag ng mga team manager at ng coaching staff ang mga makahahalili ng mga PBA-bound players.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply