Lemon Law

ANO na kaya ang nangyari sa Lemon Law ng Senado?  Ang aking tinutukoy ay ang Senate Bill No. 2464 o ang Lemon Law sa panulat ni Sen. Manuel Villar at ni dating Sen. Aquilino Pimentel Jr. noong 13th Congress.

Ito ay inihain ni dating Sen. Mar Roxas at co-sponsor sila Sen. Miriam Defensor-Santiago at Sen. Villar noong Setyembre 13, 2006 at pumasa sa third and final reading noong ika-19 ng Pebrero, taong 2007. Subalit ito’y hindi naisabatas dahil di-umano sa kakulangan sa oras.

Ano nga ba itong Lemon Law?

“It seeks to protect buyers of new and second-hand vehicles,” ayon sa sinulat nila Villar at Pimentel.

Mayroong Lemon Law Rights period na 18 buwan – sa loob ng 18 buwan dapat palitan ng bagong unit o kaya’y makuha ng buyer ang full refund ng pagkakabili ng sasakyan kapag:

1. may nasira sa sasakyan at tatlo o higit pang beses na itong ginagawa na pareho ang depekto
2. umabot na sa 30 calendar days na ito’y out of service o nasa casa

Ngunit dahil nga di-umano sa “time constraints” ng 13th Congress, ito’y naiwang nakabitin.

Ito ay inilathala para sa mga brand new vehicle at wala namang naisulat na guidelines para sa mga second-hand na mga sasakyan.

Makalipas ang halos dalawang taon, naghain naman sa Mababang Kapulungan ng 15th Congress noong 2008 ang mga kinatawang sila Manuel Zamora, Monico Puentevella, at Junie Cuang ng magkakahiwalay na panukala sa Lemon Law.

Ang kanilang bersyon ay gawing 12 months o 20,000 kms. alinman ang mauna ang Lemon Law Rights period. Iba sa Senate Bill 2464 na may 18 buwan. Ito ay para muli lamang sa mga brand new vehicle. Wala na namang naisulat patungkol sa second-hand na sasakyan.

Itong panukalang ito ng mababang kapulungan ay sinuportahan ng Department of Trade & Industry, Department of Transportation, Land Trasportation Office, at maging ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines.

Ngunit bakit ngayon ay tila nakabinbin pa rin ito? Mayroon kayang humahadlang para hindi matuloy ang pagsasabatas nito? May oras pa ba kayo dyan sa 15th Congress o “time constraints ” na naman ang inyong dahilan?  Si Senate Chairman on committee on trade and commerce Manuel Villar na co-sponsor ng Senate Bill 2464 ay isang biktima ng lemon na sasakyan. Ito kaya’y napalitan na o nabigyan ng full refund?

Nananawagan po kami kina Southern Leyte Rep. Roger Mercado (committee on transportation) at Rep. Abet Garcia ng ika-2 distrito ng Bataan (committee on trade & industry), sana ay magkaroon din ng malinaw na mga alituntunin para sa second-hand o used vehicles at pagkatapos ay maisabatas niyo na itong Lemon Law na ito.

* * *

Maligayang bati sa aking tiyahin na si Sonia Quesada Calaranan at maligayang pagdating naman sa nakatatandang pinsan ko na si Mark Joseph Quesada mula Abu Dhabi. Maraming salamat rin Rontab sa iyong napakagandang mensahe noong isang Linggo.

* * *

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810 a.m. Inaanyayahan ko din kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ito ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable provider nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply