Letran Knights ilalaglag ng Red Lions

ISANG maaksyon at pisikal na laro ang nakaporma sa sagupaan ng paboritong San Beda Red Lions at San Juan de Letran Knights ang tampok sa banggaan ngayong hapon sa 87th NCAA Senior Basketball Tournament sa The Arena San Juan city.

Nakataya sa alas-4 ng hapon ang bakbakan ng 5-0 kampana ng Mendiola-Based cagers ni coach Franky Lim sa laban 4-0 slate ng Letran Knights.

Iwawaksi ng alinman sa Mapua Cardinals at Arellano University Chiefs ang 1-3 record sa labanan nila sa unang set ng laro alas-2 makapananghali.

Sa naitalang 103-62 na pagpapahila ng Red Lions sa Emilio Aguinaldo College Generals noong nakaraang linggo ay pipiliting ng Muralla Basketeers na mapigil ang pamamayagpag ng top scorer na si Garvo Lanete na bumuslo ng season high 32 points sa kanilang pamamayani sa The Generals.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply