Liberated wife si Mariel!

WALANG ideya si Mariel Rodriguez kung magkano ang nagastos ng mister niyang si Robin Padilla sa recent Europe trip nila. Sa buong trip nila, si Robin lahat ang nagbayad kaya wala raw ginastos si Mariel ni singko. Except sa pinamili niyang t-shirts at pantalon ni Robin.

“Kasi sabi niya, dito naman daw kasi lahat ako ang bumibili. Kasi for the household kasi I don’t naman, I don’t know kasi how it is, e.  Paano ba ‘yun kapag mag-asawa? Hindi naman ako ‘yung mag-a-ask ng money to buy this. Nahihiya ako, e. Kaya ako pa rin ‘yung ano, kasi money for me is not an issue. It’s not something to talk about,” lahad ni Mariel.

Hindi raw nagi-entrega ng sweldo sa kanya si Robin.

“Eee, yak! Hindi. Walang ganu’n. I don’t even know how much his TF is and those things, nakakahiya.”

Wala naman daw siyang binabayaran na electric bill sa bahay nila since sa foundation nakapangalan ang bahay nila sa Fairview.

“I have my phone bills. Pero ‘yung kunyari ‘yung grocery, ako ang maggro-grocery.”

Tiniyak din ni Mariel sa amin na walang baby na nabuo sa ‘honeymoon’ nila ni Robin.

“Ayoko pa talaga. Iniisip ko, kasi gusto pa na ring bumalik, kasi marami pa kaming gustong puntahan. Isa roon ang Russia. Paano namin ‘yun gagawin kung merong bagets ‘di ba?”

Sa Augsut 10 magbi-birthday na si Mariel and she’ll turn 27. Para kay Mariel, sulit na sulit na raw ang ginawang treat sa kanya ni Robin sa Europe.

“‘Yung Europe ‘yun na ‘yun, lahat. Sobra-sobra na talaga ‘yung Europe trip na binigay niya sa akin. Pang-anniversary, pang-honeymoon, lahat-lahat na,” diin pa ni Mariel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply