Libreng gamot sa hindi mabiyayaan ng CCT

UPANG makampante ang mamamayang hindi napasama sa mga binibigyan ng cash dole out ng pamahalaan, isinusulong na ang pagbibigay ng libreng gamot sa may 42,025 barangay sa buong bansa.

Ayon kay Rep. Salvio B. Fortuno (5th District, Camarines Sur), may akda ng House Bill 4901 o mas kikilalanin bilang Free Basic Medicines Act of 2011, naaayon lamang ang kanyang panukala sa kung ano ang isinasaad ng Saligang Batas kung saan sinasabi dito na dapat ay may pantay na proteksiyon at pangangalagang medikal ang bawat mamamayan sa ilalim ng batas.
Sa ilalim ng panukala, ang free basic medicines ay ibibigay sa mamamayang kabilang sa naghihirap na pamilya sa bawat barangay at inaatasan Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mangasiwa sa pamamahagi nito.

Batay pa sa HB 4901 ituturing na kabilang sa indigent residents ang pamilyang walang partikular na pingakukunan ng kabuhayan at kumikita lamang ng di lalampas sa P50,000.

Hindi naman na isasama ang mga pamilyang tumatanggap na ng cash dole out na ibinibigay na rin ng pamahalaan sa pamamagitan ng DSWD.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply