Libreng mosquito traps ipamamimigay sa mga eskwelahan

MAMAMAHAGI ng libreng Orvicidal Larvicidal (OL) traps ang Department of Science and Technology ngayong linggo sa mga eskwelahang apektado ng dengue.

Sa panayam kay Science and Technology Secretary Mario Montejo, uunahin nilang bigyan ng naturang trap ng lamok ang mga paaralan at barangay na kabilang sa “dengue hotspot areas” sa bansa.

Plano naman din umano ng tanggapan na mamahagi sa buong bansa ng OL traps pero dahil sa limitadong produksyon nito, ipa-prayoridad nalang muna nila ang mga eskwelahan at lugar na mayroong matataas na kaso ng nasabing sakit.

Gayunpaman, posibleng sa unang linggo ng Setyembre, maaari nang mabili sa mga pamilihan ang organic pellets na ginagamit sa mosquito trap.

Ayon kay Montejo, wala pang P10 ang magagastos sa bawat piraso nito pero kailangang palitan ang solution ng mosquito trap kada linggo.

Ang OL trap ay isang simpleng paraan para hulihin ang mga lamok at maipon ang itlog sa pamamagitan ng isang binasang lawanit na kahoy na nakababad sa tabong nilagyan ng kemikal. Itlog at larvae pa lang ang lamok ay mamatay na agad ito sa naturang trap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply