Lider ng carnapping group, 3 pa nalambat ng QCPD

NALAMBAT ng District Anti–Carnapping Unit (DACU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na hinihinalang bigtime na Marteja carnapping group kabilang ang lider nito sa Quezon City Lunes ng madaling araw.

Sa report kay QCPD Chief Supt. George Regis ni P/Supt. Ferdinand Villanueva ng DACU, kinilala ang naarestong lider ng groupo na si Edelberto “Boyong”  Marteja, mga tauhan nito na sina Larry Fernandez,36, security guard ng Marinduque St.,San Francisco Del Monte, QC; kapatid na si Ricky Fernandez, 35, tricycle driver, ng Lorraine St.,Parkway Village, QC at Mike Juval Dicatanungan, 28, tricycle driver at kapitabhay ni Ricky.

Nasorpresa si Marteja sa mga tauhan ng DACU na pinamunuan ni Supt. Villanueva, sa isinagawang lightning raid sa kanto ng Roosevelt Ave. at Quezon Ave. habang nagpaplano ng pangangarnap dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang 9mm pistol, 38 paltik, .22 magnum revolver, granada at kinarnap nilang blue Honda hatchback (TRP- 250).

Una ng narekober ang dalawang Mitsubishi Montero SUV na tinangay ng Marteja Gang sa Quezon City nang maaresto ang ibang mga tauhan ng sindikato.

Ang apat ay naaresto matapos na inguso din umano na nangholdap sa ibang biktima sa Q.C.

Ang mga nadakip ay nasa detention cell ng DACU makaraang masampahan ng kaukulang kaso sa Q. C. Prosecutors Office.

Sinabi ni Gen. Regis na mahigpit na tinututukan nila sa Quezon City at Metro Manila ang mga bigtime carnapper na Dominguez carnapping group, Francis Briones carnaper gang, Flores carnapping group at Marteja carnap gang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply