Lightweight ba?

NAIPASA na sa Kongreso ang “Lemmon Law of 2011” noong Martes lang ng linggong ito. Mula po ito sa House Bill o panukalang batas 4841 – “An Act Strengthening Consumer Protection in the Purchase of Brand New Motor Vehicles” na ang mga pangunahing may akda ay sina Reps. Bernadette Herrera-Dy (Bagong Henerasyon), Ma. Carmen Zamora-Apsay (Compostela Valley), Mark Villar (Las Piñas), Susan Yap (Tarlac) at Ma. Amelita Villarosa (Mindoro Occidental).

Simple lang ang tukoy ng batas pero makapagbibigay-proteksyon sa mga nagkakaproblema tungkol sa mga insidente na nakabibili sila ng mga sasakyan na malalaman nilang may depekto.

Ang batas ay magbibigay sa mga consumer ng karapatan na igiit na mapalitan ang brand new na sasakyan na kanilang nabili kapag napatunayan na ito ay de-pektibo.
Noong inilathala ang mga prayoridad ng gobyerno ni Pangulong Noynoy Aquino, may mga nagsabi na “lightweights” lang daw ang mga panukalang batas na “priority bills” ng administrasyon. Hindi ako sang-ayon sa  paratang  na “lightweight.”

Para sa akin, lahat ng batas na lumulusot sa masusing pagsita ng Kongreso ay hindi lightweight kundi kasing halaga ng kahit anong batas sa bansa.

Halimbawa, ang batas na nagpoprotekta sa karapatan ng “kasambahay” o ang batas na magpapalawak pa sa sakop ng scholarship ng Department of Science and Technology. Hindi ito lightweight para sa akin at hindi ito lightweight para sa mga makikinabang sa nasabing mga panuka-lang batas tulad nga ng mga kasambahay at mga estudyante na naghahanap ng scholarships.

Bigyang halaga natin kung gaano kahirap para sa mga Kongresista ang trabahuhin ang kanilang mga panukala sa Kongreso. Para kay Cong. Herrera-Dy, halimbawa, hindi sya papayag na matawag na lightweight ang Lemmon Law dahil sa dami ng panahon, atensyon at oras ng pagtatrabaho ang iginugol niya rito, sampu ng kanyang mga kasamahan.

Kung para sa inyo ay may isang aspeto ng buhay bilang Filipino ang dapat protektahan ng isang batas, sumulat kayo sa inyong Kongresista o sa pamunuan ng Kongreso para mabigyan ng atensyon ang inyong pananaw. Gaano man kasimple ang inyong suhestyon para sa isang panukalang batas, umasa kayo na hindi ito titingnan ng inyong Kongresista na “lightweight” lang.

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply