Lisensiya ni Hayden Kho binawi ng PRC

IKINATUWA ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., ang tuluyang pagbawi ng Professional Regulation Commission (PRC) sa medical license ni Hayden Kho kaugnay nang reklamo ng aktres na si Katrina Halili sa kumalat na sex video nilang dalawa sa internet social media sites at cellphone.

Ayon kay Revilla, nasa tamang direksiyon at tumpak ang ginawa ng PRC sa pagkakansela ng lisensiya ni Kho bilang doktor na nagpapakita lamang ng kagustuhan ng ahensiya na proteksiyunan ang integridad ng bawal propesyon sa bansa.

“Nasa tamang direksyon ang ginawa ng PRC dahil marapat lamang na bawiin ang titulo bilang doktor si Kho bunsod ng kanyang imoral na kagagawan at pag-abuso sa ilang kababaihan,” ayon kay Revilla.

Iginiit pa ni Revilla na pinatunayan din ng PRC na may paninindigan ang ahensiya nito sa kanilang mandato at hindi maaaring maimpluwensiyahan ninuman.

“Pinairal nito ang interes ng publiko at ginampanan ang tungkulin nitong protektahan ang integridad ng medical profession. Sana ay magsilbing babala ito sa iba, propesyunal man o hindi,” ayon kay Revilla.

Nabatid na si Revilla ang nagsulong ng imbestigasyon sa Senado sa sex video na kinasasangkutan ni Kho at isinulong din nito ang pagtanggal sa lisensya ng dating doktor.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply