Lolo di nakayanan ang hirap, nag-suicide

NATAPOS ang buhay ng isang lolo matapos na magpatiwakal gamit ang pinagsama-samang plastic straw kaninang madaling araw (Martes, Agosto 30) sa isang luma at abandonadong opisina sa Port Area, Maynila.

Nakilala lamang sa pangalang Waway Catelo ang biktima at walang permanenteng tirahan.

Sa report ni PO2 Bernardo Cayabyab, imbestigador ng MPD-Homicide Section, dakong 2:30 ng madaling araw ng madiskubre ni Joy Simon, security guard sa PPA-Port Manila Office sa Pier 4, North Harbor.

Nabatid na ang biktima ay namamalagi sa nasabing abandonadong opisina at binibigyan na lamang ito ng pagkain ng ilang empleyado sa pantalan.

Nang mga oras na iyon ay naka-duty si Simon sa lugar at nang iihi sana sa gilid ng nasabing opisina ay nagulantang siya nang makitang nakalambitin ang biktima gamit ang pinagsama-samahang plastic straw na nakapulopot sa kanyang leeg at itinali ang kabilang dulo nito sa steel fence.

Ayon kay Cayabyab, iniinda umano ng biktima ang hindi mabatid niyang karamdaman na maaring hindi na nito nakayanan pa.

Dinala sa Universal Funeral parlor ang bangkay ng biktima para sa autopsy at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply