Lolo kinatay, patay

ISANG lolo ang pinagtataga at napatay makaraang pagtripan ng dalawang lalaki sa Quinapondan, Eastern Samar kaninang madaling-araw, Agosto 31.

Kinilala ang biktima na si Catalino Cortabista, 65 , residente ng Brgy. 7, Quinapondan, Eastern Samar habang ang mga suspek ay nakilalang sina Romy Docena, 30, at Nonoy Docena, 45.

Ayon sa manugang ng biktima, naglilinis lang ang kanyang biyenan nang mapagtripan ito ng mga suspek na pagtatagain.

Natamaan sa bandang leeg si Cortabista na naging sanhi ng kanyang kamatayan na dinala pa sa Quinapondan Hospital at Balangiga Hospital. Subalit dahil sa lubha ng sugat ay inirekomenda ng mga doktor na dalhin na lang sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) sa lungsod ng Tacloban kung saan doon na binawian ng buhay ang matanda.

Sugatan din ang umaawat na si Antonio Lacedo matapos tagain din ng mga suspek na kasalukuyang ginagamot sa EVRMC.

Hawak na ngayon ng kapulisan si Docena habang patuloy na pinaghahanap si Nonoy.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply