Long weekend: Agosto 30 idineklarang holiday

MARARANASAN ng ating mga kababayan ang isang long weekend o mahabang pahinga matapos pinal na ideklarang ng Palasyo na holiday ang Agosto 30 para gunitaan ang Ramadan or Eid’l Fitr.

Nilagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Proclamation No. 234 alinsunod sa RA No. 9177 na nagtatakda ng holiday sa buong bansa tuwing sasapit ang Ramadan ng mga kapatid nating muslim.

Ang naturang holiday ay pumatak sa araw ng martes. Ang araw naman ng lunes, Agosto 29, ay isang regular holiday na gumugunita sa Araw ng mga Bayani o “National Heroes’ Day”.

“It is to promote cultural understanding and integration and to allow the nation to join our Muslim brothers and sisters in the observance and celebration of Eid’l Fit,” ayon sa pahayag ng Malakanyang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply