Lotto operator hinoldap sa Navotas

HINOLDAP ang isang lotto operator ng tatlong hindi pa nakikilalang mga lalaki habang ang una ay sakay ng pedicab sa Navotas kagabi (Miyerkules, Agosto 24).

Nakilala ang biktima na si Maria Dolores Cruz, 32, ng Taganahan St., Bagumbayan ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi, habang sakay ang biktima ng isang pedicab, sa pagsapit sa M. Naval St., Bangkulasi ng lungsod ay hinarang siya ng mga suspek na sakay ng tricycle na hindi na nakuha ang plaka

Tinutukan ang biktima ng mga baril at kinuha ang bag nito na naglalaman ng P80,000 na kita ng lotohan.

Matapos maisakatuparan ang maitim na balak ay agad na nagsitakas ang mga suspek habang nagtungo naman sa presinto si Cruz upang ireport ang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply