Lovi palaban sa acting kaya paborito ngayon ng mga sikat na leading men

PABORITO ngayong leading lady si Lovi Poe ng mga actor natin sa bansa. Katatapos lang ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell, may Dingdong Dantes na partner siya sa “Aswang” movie na co-produced ni Dondon Monteverde ng Reality Films, tapos, ngayon nama’y pag-aagawan siya nina Dennis Trillo at Jake Cuenca sa adult drama na “My Neighbor’s Wife.”

Parehong award winning actors sina Dennis at Jake, si Lovi rin ay hindi rin pahuhuli sa acting awards. Last year ay best actress siya sa Cinemalaya entry niyang “Mayohan.” Umani rin ng acting awards sa ibang award giving bodies si Lovi tulad ng FAMAS at Enpress.

Kaya hindi padadaig si Lovi sa kapwa bida niyang actress sa My Neighbor’s Wife na si Carla na nakilala sa mga soap ng GMA 7 na “Rosalinda” at “Magic Palayok.” In fairness, si Carla ay nagwagi na rin ng Best New Female Actress sa Star Awards for TV at Movie, sa magkasunod na taon.

000

PAGDATING sa pag-discover ng talent, hindi pahuhuli si Lito de Guzman. Kumukuha siyang talents na kung ano ang in demand ngayon. Natapos na ang uso sa mga babaing singing group. Kaya natapos na rin ang mga Baywalk beauties niya na sumikat noon. Uso ngayon sa mga comedy bars ang mga bading kaya si Lito ay hindi pahuhuli sa ganitong genre.

Ngayo’y siya ang manager ng Wonder Gays na binubuo ng anim na talented gays na bunga ng kanyang talent search na ginawa niya sa buong Pilipinas. Resulta, ay talened comedians at singing group.

Nang narinig naming kumanta ang Wonder Gays, kita namin ang talent nina Black, Blue, Gray, Green, Pink at White. Bawat isa ay kakayahang kumanta. Lalo na kung sila’y nagpapatawa ng impromptu.

Tama lang ang pagpili sa kanila ni Lito na dapat magkaroon ng puwang sa mga comedy bar at sa mga television show.

000

DAHIL madalas ngayong magkaeksena sina Glaiza de Castro at Sid Lucero sa “Amaya,” madalas ngayon silang tuksuhing dalawa sa set. Pareho namang single sina Glaiza at Sid ngayon, di ba?. Bakit nga hindi sila magkalapit?

Balitang numero uno raw tumutukso sa dalawa ay ang lumalabas na nanay ni Glaiza na si Congresswoman Lani Mercado. Kasi ba naman daw, kapag take ng dalawa ay panay ang titigan nilang dalawa.

Pero, hanggang friendship lang ang namamagitan ngayon kina Glaiza at Sid. Kasi, matagal na silang magkakilalang dalawa. Friend ng kapatid ni Glaiza na si Alchris si Sid. Magkakabarkada sila nina Felix at Dominic Rocco.

000

Luis Allandy satisfied sa pag-aalaga ng career niya sa Kapuso Network

MASAYA si Luis Allandy sa GMA Network. Buhat nang nagbalik-GMA 7 siya, na reinvent ang kanyang pagiging actor. Binibigyan siya ng iba’t ibang role, bukod pa sa sunud-sunod ang project niyang hindi matanggihan.

Pagkatapos ng “Beauty Queen,” kung saan siya ng pangunahing leading man ni Iza Calzado, sinundan agad ito ng afternoon soap na “May Lover, My Wife.”

Top billing silang dalawa rito ni Maxene Magalona at Nadine Samonte. Mixed characters ang ipinakikita ni Luis.

Nang nakausap namin siya sa set ng “Iglot,” masaya siya sa iba’t ibang characters na ibinibigay sa kanya ng network. Nagagawa niya ang iba’t ibang emotions.

Ani Luis: “Iyan ang nagustuhan ko sa GMA 7, pinababayaan nila akong mag-grow sa aking acting career. Na-reinvent ko ang sarili ko para sa iba’t ibang role. Tulad ngayon, nakabigote ako na bagay sa character ko sa Iglot na laging palaban.”

000

MAGIGING lalong makulay ang career ni Amy Perez sa pagiging isa sa pangunahing host ng mga public affair program ng TV5. Tulad sa programang pang-umaga ng TV5 na kasama si Amy ay may papasok na co-host sa show na bagong salta sa TV5. Isa rin itong sikat at controversial kung minsan. Kaya tiyak na magkakaroon lalo sila ng rapport ng bagong saltang TV host.

Anyway, palagi pa ring makikita si Amy sa “Face To Face” tuwing umaga. Tulad last Monday, nakatatawang balitaktakan ang napanood namin dahil isang lalaki ang pinag-aagawan ng dalawang babae. Iyon pala ay may iba pa la silang kahati kay lalaki.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply