Lovi Poe bumigay na kay Jake Cuenca

SA UNANG tingin, parang promo slant lang ng “My Neighbor’s Wife” yung mga lumalabas na balita tungkol sa love affairs ni Lovi Poe. But on second thought, sa dinami-dami ng mga relasyong nagiging bunga ng gimmick ng mga artista, we are already bound to believe na apektado na nga si Lovi Poe ng mga malalagkit na tingin ni Jake sa kanya. Idagdag pa nga raw yung maraming mainit nilang mga eksena, na siyang nag-fuel up kung anuman ang tunay na estado nila ngayon.

Pero alam nyo bang ayaw sagutin ni Lovi Poe ang tanong kung nanliligaw sa kanya si Jake Cuenca at ’pag ang aktor naman ang tinanong kung nanliligaw siya sa co-star sa My Neighbor’s Wife, ang sagot ay “gumagawa kami ng pelikula.” Pero kita namin ang palihim niyang mga tingin sa aktres habang ini-interview ang dalaga.

Saka, inimbita ni Jake si Lovi na maging date sa Star Magic Ball at mukhang sasama sa kanya ang dalaga. Ibig sabihin, kaya niyang magpakita kay Melissa Ricks na iba ang ka-date.

Anyway, obvious na tinamaan ang dalawa habang ginagawa ang “mapusok” at “mainit” na pelikula na wish ng cast na mabigyan ng PG-13 ratings ng MTRCB. Sa September 14, na ang showing ng pelikula ni Direk Jun Lana na ang isa sa pang-akit sa tao ay ang adult theme at ang maiinit na love scenes.

O di ba, si Lovi Poe pa, madaling magdingas yan!

***

FB discoveries

HAYAAN nyong tawagin ko silang Facebook Discoveries, tutal naman kasi, sa FB ko unang nakita yung tungkol sa kanila. Una na nga yung nag-post sila ng kanilang mga guwapong photos na talaga namang mga guwapo sila, at marami rin namang humanga sa kanila. Ang ending nga, napansin sila ngayon ng publiko.

Isa pa, yung pareho naman silang second generation babies, their moms being celebrities on their own, kaya madali lang talaga silang mapansin.

I am referring to two newbies na handa nang sumabak sa showbiz. Hindi ko na masyadong pakahabaan ang intro sa kanila, suffice to say na talaga naming nasa kanila’ng mga katangian to make it on their own.

FB discovery number one is Derrex Dela Fuente, anak ni Ms. Claire Dela Fuente. Guwapo, matangkad, graduate sa Ateneo De Manila, ready na si Derrex sa pagmomodelo. Pero puwede rin siya sa acting dahil hasa na ito sa maraming school projects niya. Bukod dito, Derrex also sings and composes. Kaya talagang hinog na hinog na siya.

FB discovery number 2 is Nathan Nocum, anak naman ni Ms. Lovely Rivero. Mahusay na aktres si Lovely na nagsimula bilang youngstar sa “That’s Entertainment.” Ngayon nga, isa na siyang showbiz stage mom dahil nga mag-aartista na si Nathan.

“I will let him do his own thing, di ako masyadong makikialam sa kanya.May tiwala ako sa anak ko,” sabi nito sa amin.

So there!

***

Apat na starlet sa isang teleserye

BONNGA ang dating ng malapit nang simulang “My Binondo Girl” where Kim Chiu leads the cast. Kasama niya rito bilang leading men ang tatlong gorgeous hunks na sina Matteo Guidecelli, Xian Lim and Jolo Revilla. All three ooze with machismo na bagay nga kay Kim Chui.

Pero ang problema lang, tatlong male starlet pa lang sila, meaning, wala pa talagang napatunayan na kaya nilang magdala ng isang teleserye. In my own opinion, Kim Chui should be given a more popular hunky leading man para naman kagatin siya. You see, medyo starlita pa rin ang stature ni Kim and we also think na she will fail in My Binondo Girl.

Isa pa, very demanding ang role ni Kim na isang lalaki at isang babae, makaya kaya niya? Sabi nga ng isang kibitzer, kung yung role ng babae, hamonada’ng dating ni Kim, yung pa kayang lalaking role pa na may extra demand para magmukhang kahit paano ay credible. You see, very serious yung nagpapanggap kang lalaki gayung babae ka naman. We don’t know pero subaybayan naming ang My Binondo Girl para makita ang kalalabasan nito sa ratings.

And speaking of Kim Chiu, marami ang nagkukuwentong reporter na um-attend sa kanyang presscon noong isang araw. Mahusay na raw sumagot si Kim na wala nang ligoy pagdating sa usaping pag-ibig. Mukahg naghilom na yata yung sugat na dulot ng pagkasawi niya kay Gerald Anderson. Kumbaga, Kim is now ready to fall in love, kaya lang uunahin daw niya ang focus sa kanyang teleserye sa ngayon.

And the Kimeralds ek, ma-sustain kaya nila’ng rating ng My Binondo Girl?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply