Lovi Poe halinhinang niromansa nina Dennis Trillo, Jake Cuenca

TAWA nang tawa si Lovi Poe na parang kiliting-kiliti kapag pinag-uusapan ang tungkol sa mga nakakakiliting eksena nila nina Dennis Trillo at Jake Cuenca sa “My Neighbor’s Wife’ sa Regal Films.

Pinagpasahan kasi nina Dennis Trillo at Jake Cuenca ang alindog ni Lovi Poe sa pelikulang ito. Kapwa nila pinupog ng halik at niromansa ang award-winning young actress sa maiinit na tagpo ng Direk Jun Lana movie.

“Nakakaloka nga! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Lovi nang kinausap ng mga reporter tungkol dito.

Pero ayon pa kay Lovi, kapwa respectful ang dalawang aktor at hindi nag-take advan- tage sa maseselang eksenang ginawa nila sa movie.

Preparado ba siya bago gawin ang daring scenes niya?

“Alam mo lagi mong sasabihin na bago gawin ‘yon, prepared ka. Pero pag nandoon ka na, lagi kang kinakabahan! Intimate scenes ’yon. Kumbaga, in front a lot of people ‘yon, cameras. It’s gonna be awkward pero you’ll go through it naman,” sagot niya.

Stand out daw ang byuti niya sa pictorials na kahit hindi siya nakahubad, lutang na lutang pa rin ang sex appeal niya. Paano niya ginagawa ‘yon?

“Ha! Ha! Ha! I don’t know. Emotera kasi ako. Tawag nga nila sa akin, emoterang frog! Ha! Ha! Ha! Ganoon-ganoon lang. Tina-try ko lang ang best ko sa mga photo! Kumbaga, mahilig talaga ako sa mga picture. Kumbaga one of the things I love with my job is photo shoot talaga!” rason niya.

Sa mga love scene ni Lovi, matindi sa kanya ‘yung shower scene nila ni Dennis at kay Jake, sa kuwarto naman sila nagparaos ng init, huh!

Ganoon kainit ang MNW?

“It is very hot! Hot in a lot of aspects not because of the love scenes only but because of the intensity of story!” sey niya.
Ano pa ang aabangan sa kanya sa MNW?

“I’ve done daring roles but this one is different! Kumbaga, there are scenes, kumbaga, intimate scenes na may love akong pinapakita. Dito, may intimate scenes na walang love na pinapakita! So you’ll see scenes that are done without love! It’s hard because my name is Lovi! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Lovi.

oOo

Sharon Cuneta nakipagbati kay Willie Revillame pero kaaway naman si Vice Ganda?

HOW nice naman to know na natapos na ang matagal na hidwaan, sa wakas nagbati na rin sina Sharon at Willie Revillame. The two crossed path sa birthday celebration ng common friend nilang si Aga Muhlach kaya talaga di maiwasang nag-usap na sila. Sabi nga ng ilang friends nila, ‘wag na raw balikan pa kung ano yung pinagsimulan ng away nila noon. Suffice to say, na ayos na sila ngayon at sana, hindi na maulit pa ang mga pangyayari.

At kung bati na sina Willie at Sharon, si Vice Ganda naman daw ang bagong kaintrigahan ni Sharon Cuneta. For reasons na hindi masyadong malinaw, medyo insecure daw kasi si Sharon kay Vice Ganda dahil nga sa mataas na rating ngayon ng show nito na dating time slot ng Sharon Cuneta show. Lagi kasing nasusulat na nalaos si Sharon sa slot na yun, gayung buhay na buhay ngayon kay Vice.

Kasi nga raw maraming komentong naririnig sa mga kayabangan ni Vice Ganda na nakarating kay Sharon na kesyo ganyan at ganito.

In fairness to Vice, sinagot na niya yung intriga and said something like na hindi totoo yung away nila ni Sharon Cuneta.

Natanong din namin kay Vice kung bakit tila nagkakaroon sila ng issue ngayon ni Mega. Pero matigas itong itinanggi ng comedian/TV host at pati na rin ni Kris Aquino na pilit sumasawsaw sa isyu ng dalawa.

“Oy, wala, OA, ha,” sey ni Kris.

Sey naman ni Vice, “oy, love ako ni Sharon.”

Pinigilan na ni Kris si Vice na mag-comment pa tungkol sa issue dahil baka humaba lang daw at maging nega pa ang dating ng kaibigan.

Natanong din namin si Vice Ganda tungkol sa tsikang tinanggihan daw niya ang gusto ng ABS-CBN na i-extend ang Gandang Gabi Vice niya at sey niya, pumayag na raw siya kaya ie-extend na nga.

Aminado naman siyang noong una ay ayaw niya talaga dahil natatakot siya.

“Masyado kasing mataas ang ratings, eh. Bago pa bumaba,” natatawa niyang sabi.

Pero nag-e-enjoy daw siya sa show kaya pumayag na rin daw siyang ma-extend ito.

So there!

oOo

Vice Ganda di raw nanloko sa press

NAGPALIWANAG si Vice Ganda tungkol sa isyung di niya pagsipot sa solo presscon niya para sa Globe. Nainis kasi ang maraming showbiz writers sa panlolokong natikman nila sa ipinatawag na presscon ng ABS-CBN para kay Vice Ganda.

Una, sa halip na dumalo sa sariling presscon, sa VTR lang nagpakita at bumati sa mga dumalong press si Vice.

Sinakyan pa nina Sarah Geronimo at Gerald yung pangalawang biro ng mga organizer ng presscon nang tinawag pa mismo ni Sarah si Gerald at nagpakita naman ang aktor sa mga press people. Sabi kasi si Sarah, ipakikilala niya yung bago niyang suitor.

Buong akala ng press ay totoo ang ‘rebelasyon’ na nanliligaw o gustong manligaw ni Gerald kay Sarah at personal nang aamin ang aktor. It turned out na gusto lang palang ipakilala si Gerald ni Sarah bilang bagong endorser ng isang  communication provider at makakasama nila ni Vice Ganda.

Sa pagkulit ng press kina Sarah at Gerald kung totoong  may ligawang nagaganap kahit papaano sa pagitan nila, walang napiga ang mga ito dahil ayon sa dalawa ay friends lang daw sila talaga.

Pinagmukhang tanga raw ang media!

Nagpaliwang naman si Vice sa mga nangyari kung bakit hindi siya nakasipot sa presscon niya ng Globe with Gerald Anderson and Sarah Geronimo.

Aniya ay may interview nga siya sa US Embassy at hindi nga rin daw siya nakapag-report sa Showtime nang araw na iyon.

Naging issue ang nasabing presscon dahil ang imbitasyon ay solo presscon niya at hindi alam ng press na kasama rin sina Gerald at Sarah.

Ayon kay Vice, presscon daw talaga nilang tatlo ’yun, actually for Gerald talaga dahil ito nga ang bagong endorser.

“Ako lang dapat ’yung magi-introduce kay Gerald,” sey pa ni Vice.

Tinanong nga rin daw niya ang manager niyang si Ogie Diaz kung bakit ganu’n ang nangyari dahil hindi naman daw niya alam na may gimik na ganu’n. Yun na.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply