Lovi Poe sad sa di paggamit ng kanyang sexy billboard

ITINODO na raw ni Lovi Poe ang pagpapaseksi sa “My Neighbor’s Wife” ng Regal Entertainment, Inc. kasama ang hunk actors na sina Jake Cuenca at Dennis Trillo with Carla Abellana sa direksyon ni Jun Lana. Hindi lang daw kay Dennis may bed scene si Lovi kundi maging kay Jake Cuenca.

Iniintriga tuloy sina Jake at Lovi sa pagiging close nila while shooting My Neighbor’s Wife hanggang ngayon. In fact, nagdeklara na si Jake na inalok niya si Lovi na siyang maka-date niya sa annual Star Magic ball. Although, ‘di pa makapag-commit si Lovi ng 100% nu’ng tanungin siya kung sasama kay Jake, sa presscon ng My Neighbor’s Wife.

Nalungkot naman si Lovi nu’ng ‘di nagamit ang sexy pictorial niya sa Belo at Bench for billboard. She’s been wanting her billboard to come out daw. Pero wala raw talagang nagawa kaya igalang na lang daw ang desisyon ng iba.

Tinanong din namin si Lovi kung ano ang reaksyon niya na ngayon ay malinaw ng ang kanyang yumaong ama at ang Action King na si Fernando Poe Jr. ang talagang nanalo sa Presidential election nu’ng 2004.

“Syempre in my heart naman talagang siya ‘yung nanalo. And there’s no need for declaration that he’s a good person, there’s no need to be on top, or declare him as the president or whatever,” diin ni Lovi.

Kung Presidente ang ama niya, it follows na Presidential Daughter din sana siya ‘di ba? Pero kung Presidential Daughter siya, for sure, ‘di niya magagawa ang my Neighbor’s Wife at ang pagpo-pose ng sexy sa billboard.

“I don’t think I’ll fit in. Look at me and my bikini billboards,” natatawang sabi ni Lovi.

‘Yun na!

-ooOoo-

EXCITED naman ang mahusay na TV host na si Boy Abunda na maipalabas sa “The Buzz” bukas (Linggo) ang pagkikita at ang naganap na exclusive interview niya sa kanyang idolo na si Nora Aunor sa last shooting day ng movie niya with Laguna Governor ER Ejercito sa Kawit, Cavite.

Inamin ni Kuya Boy na nagkaiyakan nga sila ni Nora bago maganap ang interbyuhan. At kitang-kita naman sa interbyu kung gaano natuwa si Nora na makapiling si Kuya Boy. Dahil d’yan, looking forward ulit ang isa’t isa na magkita one of these days.

As expected, nagliliyab ang mga isyung ilalahad ng The Buzz bukas. Mas ginatungan pa ‘yan ng naglalagablab na isyu dahil sa mismong ang mga host ng The Buzz na sina Toni Gonzaga at KC Concepcion ay matapang na haharapin ang mga naglalakihang kontrobersya na kinasasangkutan nila.

Abangan ang pag-amin ni KC sa tunay na kalagayan ng iniintrigang relasyon nila ng boyfriend niyang si Piolo Pascual. At ang paglabas ng damdamin ni Toni sa isyu sa boyfriend niyang si Direk Paul Soriano at ang bida ng “Thelma” na si Maja Salvador. Tutukan lahat ‘yan sa The Buzz bukas pagkatapos ng ASAP Rocks.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply