LPA naging bagyo na

TULUYAN nang naging bagyo ang Low Pressure Area na binantayan nitong mga nakalipas na araw ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Pinangalanan ng PAGASA ang bagong bagyo na “Mina” na huling namataan sa layong 400 kilometro silangan, timog silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyong Mina ang pinakamalakas na hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Kikilos ang bagyong Mina papuntang hilagang kanluran sa bilis na siyam na kilometro bawat oras.

Wala pang storm signal ang bagyong mina sa alinmang panig ng bansa.

Kahit hindi inaasahan na tatama sa kalupaan ng Pilipinas ang mata ng bagyong Mina ay inaasahan ang magiging epekto nito sa Bicol Region habang inaasahan din ang madalas na pag-ulan sa Samar, Leyte at ilang bahagi ng hilagang Mindanao. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply