LPU Pirates binomba ng Bombers

NAKAAHON na ang Jose Rizal University Heavy Bombers mula sa tatlong magkakasunod na pagkatalo sa 87th NCAA men’s basketball tournament nang bombahin nila ang Lyceum Pirates sa score na 74-68 sa The Arena, San Juan City noong Lunes ng hapon.

Ang Heavy Bombers (3-5) ay umangat sa panlimang slot ng 10-team composition kapantay ng Emilio Aguinaldo College Generals, College of St. Benilde Blazers, isang baytang na kasunod ng Lyceum Pirates (4-5). Nananatiling nasa tuktok ang San Beda Red Lions at ang San Sebastian College-Recoletos Stags na kapwa tangan ang malinis na 8 panalo.

Kinuha naman ng Mapua Cardinals ang University of Perpetual Help Daltas sa manipis na score na 65-63 na nag-angat sa kanila sa pangwalong pwesto habang nalubog sa 1-7 win-loss slate ang Daltas sa malapit ng magtapos na komperensya.

Sa araw ng Miyerkoles ay gaganapin ang salpukan ng Emilion Aguinaldo College Generals at College of St. Benilde Blazers alas 2:00 ng hapon na susundan ng angatan ng UPHS Daltas at Arellano University Chiefs (2-6) sa main game.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply