Lugar na gumuguho, binabaha ideklarang ‘no habitation zone’

NANAWAGAN si Environment Secretary Ramon Paje sa mga local government unit (LGU) na ideklarang “no habitation zones” ang mga lugar na mataas ang insidente ng mga pagguho at pagbaha.

Huwag na rin umanong pabalikin ang mga residenteng tinamaan ng mga pagguho sa kanilang mga tirahan at  ilipat na lamang ang mga ito sa mga relocation site na aprubado ng Mines and Geosciences Bureau, isang kaakibat na ahensya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Paje, kapag ipinatupad ito ay mababawasan ang epekto sa mga tao ng mga geological hazards sa buong kapuluan.

Ang apela ng kalihim ay bunsod ng kambal na hagupit ng mga pagguho at pagbaha na kumitil sa may 70 buhay dulot ng bagyong “Juaning” at “Kabayan.”

Idinagdag pa ni Paje na dapat gamitin na ng mga LGU ang mga geo-hazard maps, lalo na sa mga kritikal na panahon ng bagyon. 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply