Luisita massacre pinabubuksan ulit

UMAPELA ang mga magsasaka at manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na muling buksan ang kaso ng masaker na naganap mismo sa naturang sugar estate.

Nagpadala ng liham sina Lito Bais, acting chairman ng United Luisita Workers Union (ULWU); Rodel Mesa, secretary-general ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA); at Felix Nakpil, pangulo ng Alyansa ng mga Manggagawang-Bukid sa Asyenda Luisita (Ambala), kay Morales para pormal na hilingin ang muling pagbukas sa nasabing kaso.

“We are writing your good office to reiterate once again our urgent appeal to request the reopening of the investigation of the Hacienda Luisita Massacre,” anang mga lider ng tatlong organisasyong magsasaka sa kanilang liham.

Anila, noon pang si Ombudsman Merceditas Gutierrez ang tanodbayan ay naghain na sila ng mga kasong Multiple Murder, Multiple Frustrated Murder, Attempted Murder, Serious and Less Physical Injuries laban kina dating Pangulo at Commander-in-Chief Gloria Macapagal-Arroyo, dating Armed Forces Chief of Staff Hermogenes Esperon, dating Northern Luzon (NOLCOM) commanding officer Major Gen. Romeo Dominguez, dating Region III police director Chief Supt. Quirino Dela Torre, dating Labor Secretary Patricia Sto. Tomas, at sa mga may-ari ng Hacienda Luisita, Inc., na sina Peping Cojuangco at Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na kongresista pa lamang ng Tarlac noong Enero 13, 2005.

Subalit, hindi umano nakapagbigay ng kongkretong aksyon ang dating tanodbayan sa kabila ng paulit-ulit na pagprotesta at paghahain nila ng mosyon para mapabilis ang takbo ng kaso.

“Unfortunately the former Ombudsman failed to take resolution on the cases we filed until the day she resigned with out shedding a light of justice among the victims and their families,” anang tatlong grupo.

Pitong taon na ang nakararaan buhat nang maganap ang madugong pagbuwag sa mga nagpipiket na magsasaka sa naturang hacienda na nagresulta sa pagkamatay ng pitong manggagawang-bukid at pagkakasugat ng daan-daang iba pa.

Naganap ang dispersal nang magpaputok sa picket line ang mga elemento ng Philippine Army na nakabase sa Camp Servillano Aquino, Northern Luzon command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Nobyembre 16, 2004.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply