Luma nang Prison Law lulusawin na

LUMALALA ang sitwasyon sa lahat ng pambansang kulungan dahil nakabase ang operasyon ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Prison Law na nilikha noon pang 1917, o 94 taon na ang nakalipas kaya’t nakatakda na itong balasahin upang umayon sa modernong pamamaraan ng penology.

Nitong Martes, inihain ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang Senate Bill No. 2933 na naglalayong magkaroon ng modernisasyon  at propesyunalismo sa national correction facility sa bansa upang makatupad sa pamantayan ng United Nations.

Ayon kay Escudero, chairman ng Senate committee on justice and human rights, na hindi makatao ang kondisyon sa loob ng BuCor at sa halip na mapagbago ang mga preso, lumulubha ang kanilang kalagayan na taliwas sa pamantayan ng penology na itinakda ng UN.

“BuCor has been running in obsolescence. Its laws, facilities and equipment, and organizational structures are all outdated and outmoded. It needs to be restructured so it can be as efficient and as effective to implement its mandate on day-to-day operations,” ayon kay Escudero.

Aniya, hindi pa nakatikim ng pagbabago o amyenda ang BuCor simula pa noong 1905 maliban sa binagong pangalan na tinawag na Bureau of Prison alinsunod sa binagong Administrative Code of 1987.

Noong 2009, umabot sa 35,400 ang populasyon ng kulungan sa bansa at binabantayan lamang ng 2,632 empleyado at prison guard kaya umaabot lamang sa 1:81 ang ratio taliwas sa pandaigdigang pamantayan na 1:6 ratio.

Tinukoy pa ni Escudero na walang pagbabago sa bilang empleyado sa ahensya simula pa noong 1989 kaya patuloy na tumataas ang ratio sa pangkaraniwang antas na limang porsiyento kada taon.

“The BuCor was created specifically to be in charge of safekeeping and instituting reformation programs to national inmates sentenced to more than three years. Reform isn’t anywhere with its dilapidated facilities, congested prisons and archaic operational system and structure,” paliwanag ng senador.

Layunin ng panukala ni Escudero na isulong ang safekeeping ng preso na kabilang ang disenteng probisyon sa tulugan, pagkain, tubig at pananamit alinsunod sa itinakda ng pamantayan ng UN.

Babaguhin din ang custodial force ng BuCor na kinabibilangan ng correction officials na isasailalim sa ranking system at salary grade katulad ng kanilang counterpart sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

“Promotion system in this agency has also been subjective. There are prison guards who are retiring after 40 years or more in service without having a taste of promotion,” giit ni Escudero. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply