Lumalala ang krimen sa QC

LUMALALA ang kaganapan ng iba’t ibang kriminalidad sa Quezon City, pero, tila ‘di alintana ng kasalukuyang liderato ng QC Police District.

Ang patayan, nakawan sa mga bahay at holdapan sa kalye – naku eh wala
na yatang tatalo pang lokal na kapulisan sa QCPD.

At kung ang pag-uusapan ay paramihan ng carnapping incidents, walang tatalo sa QCPD dahil sigurado itong ‘runaway’ winner.

Ano nga ba ang dahilan at sa bawat araw, linggo at taon na lumilipas, ang kriminalidad  sa lungsod ay unti-unting lumalala.

May sagot diyan ang grupo ng mga retirado at  orihinal o taal na miyembro ng kapulisan na nakahuntahan ng Chokepoint.

Anila, kung noon, ang pulis ang hanap ay mga kriminal, ngayo’y ang hanap daw ng mga pulis ay raket na may ‘tongpats’.

Noon, hinahanap ng mga pulis ang mga carnapper, holdaper, gun for hire, at rapists para managot sa ginawang pagkakasala.

Pero, ngayon daw, ang  mga pulis ay nag-aalaga ng mga kriminal na magagamit para sa isang ‘project’ na pagkakakitaan.

Kung ‘di man nag-aalaga ng kriminal, sila na mismo ang umaaktong holdaper, murderer, robber, etc – para kumita.

At kung ‘di umaaktong kriminal, sila ay either, maintainer, operator o financier ng mga ‘iligal’ tulad ng iba’t ibang uri ng sugal.

Sa ganang atin, nakasalalay sa liderato ni Director General Raul Bacalzo at iba pang matataas na opisyal ang estado ng bansa.

Kung anong direksiyon ang tatahakin ng bansa – kay  Gen. Bacalzo at mga kasamahang police officials nakasalalay ang katahimikan laban sa mga kriminal.

Mabalik tayo sa QCPD. Bakit bumagsak ang peace in order sa lungsod ni Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista?

Yan ang kuwestiyon na  dapat bigyang-pansin at masolusyunan ng kasalukuyang QCPD director Chief  Supt. George Regis.

Maaaring ‘di katanggap-tanggap kay Regis  ang kuwento sa Chokepoint ng mga nagretirong pulis, ilan sa kanila’y QCPDs.

Kung nais maibalik ang katahimikan sa QC, dapat rendahan ang mga pulis na kung ‘di kriminal ay operator o protector ng iligal na aktibidades, katulad ng sugal, caranapping at iba pa.

Unahin mo…General, sina Sgt. RH at Sgt. JA. Abangan…

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply