Lumalalim na ang relasyong Luis, Jennylyn

MALALIM na ba ang relasyon nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado?

“Basta ‘Im happy naman. Sabi ko naman ayaw kong i-showbiz, e. Hinihingi namin na ibalato na lang ‘yun,” sey ni Luis nang makatsikahan namin sa pasilyo ng ABS-CBN.

Ibig bang sabihin kahit mag-on na sila ni Jen ay magiging tahimik na lang?

“Oo. The only time naman na magsasalita ako ay kung may aspetong kailangan kong ipagtanggol ang babae or medyo may nadedahado na. Pero in terms of revealing more, hindi naman,” sey pa niya.

Ano ang reaksyon niya sa  sinabi ni Patrick Garcia na mahalin daw niya ang anak nilang si Alex Jazz?

“I’m very very thankful. Si Pat ang tagal-tagal ko nang hindi nakikita. Huli kong nakasama si Pat, “Kampanerang Kuba” pa. Tagal na nun. The fact na sinabi niya yun, ayaw ko namang makialam sa kanila, sa pagpapalaki nila ni Jazz, walang akong karapatan in any form o whatever, the fact na na-acknowledge ako ni Pat..at siguro na-man kahit papaano kaya nasabi niya ‘yun ay dahil may tiwala sa akin si Pat. Thank you. That mean a lot bilang lalaki sa lalaki. Sobrang na-appreciate ko ang sinabi ni Pat bilang isang ama,” deklara pa niya.

Kumusta na sila ni Angel Locsin? Okey na ba sila?

“Basta sabi ko, tahimik lang ako,” mabilis niyang sagot.

Sinabi rin niya na bukod sa “PGT,” “E-Live” at “Alta,’ may gagawin siyang movie sa Star Cinema at isa sa Viva.

“Pene na nga ang gagawin ko kasi ipinakita ko na ang puwet ko. Pene na tayo para tapos na ang usapan..Hahahaha,” pagbibiro niya.

“Basta sa Star, medyo sexy ang title pakinggan pero nu’ng unang in-offer sa akin, aabot na ba ako sa puntong ‘yan pero ang ganda ng pagkaka-explain sa akin. Hopefully, inaayos.

Sa Viva naman may panibago akong partner na makakasama. Hindi siya taga-Viva pero hindi naman necessary na love team,” kuwento pa niya.

Bakit hindi sila magsama ni Jennylyn lalo’t pareho silang Viva?

“Hindi..Di ba sabi namin, ayaw naming nagkakatrabaho together. Kahit naman noong kami pa ni Angel. Kasi nga nalalagay kayo sa spotlight,e! Mas naso-showbiz kayo. Sa commercial okey lang kasi paminsan-minsan lang naman….kasi one time lang naman siya. “Pero ‘yung mga teleserye o mag-movie, mas matututok sa inyo ang mga atensyon na hindi niyo naman kailangan,” aniya pa.

Papunta na ba doon ang relasyon nila ni Jen?

“I think I am on the right path. We are on the right path. Tingnan natin kung saan mapupunta,” dagdag pa niya.

Okey lang ba sa kanya na may ibang manliligaw kay Jen?

“Well, wala naman yata. Walang nagpaparamdam. Di pa naman kami,”sey pa niya.

***

FINALLY, sa katatapos na 2011 Cinemalaya Independent Film Festival awards night, makalipas ang 30 taon, kinilala ang pagiging mahusay na actor ni Jaime Pebanco nang tanghalin siyang Best Supporting Actor para sa pelikulang “Patikul,” sa Directors Showcase Category. Dinirek ito ng premyadong direktor na si Joel C. Lamangan.

Halos maiyak ang character actor nang tanggapin niya ang tropeyong “balanghay,” ang kanyang kauna-unahang acting award mula sa prestihiyosong local independent film festival.

“Aba’y masayang-masaya. Cloud 9. At long last nahawakan ko na ang trophy. Ang feeling ko ang tagal-tagal na. It’s long overdue,” reaksyon niya.

“Never akong nag-expect… I was there in the awards night with the ‘Patikul’ team to support Direk Joel. Nang tinawag ang name ko, siyempre, napakasaya ko at gusto kong maiyak sa tuwa dahil, sa wakas, natupad na rin ang pangarap kong ma-recognize bilang actor. Sa tagal ka na rito sa industriya, sa wakas, napansin nila ang pagsisikap ko sa aking craft bilang artista…” pagkukuwento pa ni Jaime.

Sino pa ang gusto niyang makasama sa isang project ngayong kapapanalo lang niya nag award?

“Gusto ko ulit makasama si Ate Guy. Mas nakatrabaho ko nang matagal si Ate Guy kumpara kay Ate Vi. Mas sanay ako kay Ate Guy, e!”

Ano ang pagkakaiba ng  dalawa?

“Magkaiba. Mas magalaw si Ate Guy before the tape, e! Pag action, nag-iiba na siya.

Pero nasaksihan din ba niya ang mga attitude ni Ate Guy nu’ng araw?

“Once…when we did ‘Sidhi,’. Ang call time niya ay 8 a.m., dumating siya 12 tapos sorry siya nang sorry. Pero hindi siya minumura (ni Direk Joel Lamangan) ay ‘yan. Kasi, pagdating naman niyan, magalang, sorry po, kuya, ganun. Pero generous si Ate Guy. I remember nu’ng mawalan ng kalabaw ‘yung  may-ari ng pinagso-shootingan naming bahay sa Sidhi, farmer siya, binigyan niya ng pera on the spot. Hindi siya maramot kahit bilang aktres. Dapat lang siyang bumalik,” aniya pa.

Nagsimula si Jaime sa pagiging stage actor nu’ng 1981. Nag-audition siya bilang “chorus boy” para sa musical play na “Maynila” na ipinalabas sa Metropolitan Theatre. Muli siyang nag-audition sa isa pa uling musical play, ang Ready na ‘Ko, Direk! na isinadula sa PhilAmlife theatre, at  “multi-roles” ang ginampanan niya rito.

“Summer of 1992, nagkaroon ako ng scholarship for theatre workshop sa Bulwagang Gantimpala ng Cultural Center of the Philippines. Ang kauna-unahang straight play ko ay ‘Sipnget’ kasama si Ms. Bella Flores. Gumawa rin ako ng ilang stage plays sa PETA, as guest…” dagdag ng character actor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply