Lumilihis si Mina at ang nabubulabog na OFWs

SABI ng PAGASA, lumilihis ang bagyong Mina palayo sa repablik ni Juan.

Yung babala nito na posibleng magdala ng mga ulan at baha si Mina ay binabawi na?

Pinaghahanda kasi kamakalawa ng ahensiya ang buong Kabikulan, gayundin ang ilang bahagi ng Bisayas at Mindanao.

Kung sakaling walang sama ng panahon na hihila sa buntot ni Mina pabalik sa atin, eh, di magpasalamat tayo kay Bathala.

Kahit papaano, muli tayong nailigtas sa mga kamatayan at kasiraan.

oOo

Habang nagaganap ang mga giyera sa Libya at Syria, naglalaro sa ating isipan, Suki, ang ating mga overseas Filipino worker doon.

May beri klos relatibs tayo na OFW kaya naman, malapit sa ating dibdib ang mga usaping OFW.

Reklamo ng mga onorabol, nahihirapan silang kumum-binsi sa mga OFW na umuwi at lisanin ang dalawang bansang binabalot ng gulo at giyera. Habang libo-libo ang kanilang bilang, mangilan-ngilan lamang ang may gustong umuwi sa atin.

Op kors, isang dahilan ng hindi pag-uwi ng mga OFW ang hirap ng pagtakas papunta sa embahada ng Pinas  o kalapit na bansang hindi magulo at walang giyera.

May mga pinipigil din ng mga amo o employer.

Yung iba, hindi pa nasasahuran at ayaw nilang lumayas nang wala man lang kahit kaunting maiuuwi.

oOo

Pero ang pinakamasaklap na problema ay ukol sa kanilang iniwanan at daratnan sa bayan nilang mahal.

Umaalis ang lahi ni Juan sa kawalan ng pag-asang mabuhay at sa pandarayuhan lamang siya nagkakaroon nito.

Sa pagpapauwi sa kanila, ano-ano ang inihahanda ng mga onorabol na pansalo sa kanila at ang mga umaasa sa kanila, huh?

Gutom?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply