Luneta hostage survivors dumating na sa bansa

IGINIIT ng mga kaanak ng mga biktima at survivor ng maduogong hostage na dumating ngayong gabi sa bansa na malungkot pa rin sila sa nangyari na hindi  pa rin umano nabigyan ng solusyon.

Dakong alas-10:00 ngayong gabi ng dumating sa Ninoy Aquino International Airport mula Hong Kong ang grupo na pinangunahan ni Tse Chi-kin, ang kapatid ng tour guide  na si Masa Tse.

Nakatakda umanong makipag-usap ang mga ito kay Department of Justice (DoJ) Sec. Leila de Lima.

Naniniwala naman si Incident Investigation Review Committee (IIRC) panel member Teresita Ang-See na nagawa na ng gobyerno ang mga nararapat gawin para matugunan ang mga pagkukulang at maitama ang mga pagkakamali, kaugnay sa naganap na August 23 Manila hostage crisis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply