Luneta hostage survivors haharapin ni de Lima

KAHIT hindi pinagbigyan ang kanilang kahilingang makaharap ng personal si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, tuloy pa rin ang pagtungo mamayang gabi sa Pilipinas ng survivors at kaanak ng mga biktima sa naganap na Manila hostage incident sa Luneta.

Layunin ng naturang pagbisita na dalawin ang pinangyarihan ng hostage massacre sa Maynila at i-follow-up na rin ang kaso laban sa mga nagkaroon ng kapabayaan kaya napahamak ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon sa ulat, mamayang 6:00 ng gabi inaasahan ang departure time ng mga ito at darating sa Pilipinas bandang alas-8:00 ng gabi.

Una rito, nagsagawa kahapon ng pulong balitaan ang mga ito sa Hong Kong, kung saan isinisigaw pa rin nila ang kawalan ng hustisya para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Nagsabit pa ang mga ito ng malaking streamer na nagsasaad ng: “Manila Hostage Taking Tragedy: Justice Undone.”

nabatid na pito sa magtutungo sa Pilipinas ay haharapin naman ni Justice Sec. Leila de Lima.

Isa rito ay survivor, apat ang kaanak ng mga biktima, isang abogado at isang mambabatas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply